Tuesday, December 23, 2008
Former PCCA apology to Estrada
We Filipinos should not forget that Estrada also had and still has to answer for many scandals such as the PSE manipulation which brought it to the verge of collapse, the murder of Dacer and Corbito, the Jose Velarde account, etc. Besides, he was actually found guilty of plunder by our court.
We should never be sorry for standing up for truth. We should never regret doing the right thing.
Sunday, November 30, 2008
Bonifacio Day
For me Andres Bonifacio is a true national hero and we Filipinos should understand and learn more of what he sacrificed for our country.
Tuesday, November 4, 2008
IPO Registration Problem
Kailangan sagutin ang sulat na ito, pero bago ko gawin ito, siguro ay hihingi ako ng tulong sa Philippine Coffee Board at sa mga kakilala kong abogado sa UP Law Center.
Sunday, October 19, 2008
Re think sa takbo ng blog
Unti unti gagawin ko ito. Hindi na siguro ako magsisimula ng bagong blog, pero babalikan ko na lang ang mga naunang entries ko at tatanggalin o babaguhin ang kailangang baguhin.
Saturday, October 18, 2008
Ang dalawang klase ng tao
May mga taong nakakadagdag sa kanyang kapaligiran - ito ang mga taong produktibo, malikhain, matulungin sa ibang tao na galing sa sarili niyang bulsa ang ipinangtutulong.
May mga tao din naman na nakakabawas sa kanilang kapaligiran. Ito ang mga taong laging nag-iisip kung ano ang makukuha nila sa kanilang paligid, kung paano makakalamang at kung tumulong man ay sa iba pa kinuha ang kanilang ipinangtulong.
Siguro kung mas maraming unang klase ng tao, mas mayaman at higit na magiging maganda ang bansa.
Monday, October 6, 2008
Antay ng antay
Unang una na sa inaantay ko ay ang pagtatapos ng semestre sa UP. Usapan kasi namin ni Prof M at M na patatapusin muna ang sem bago puspusang harapin ang pagdevelop ng pakatas. Kung sabagay, dalawang araw na lang ay tapos na ito. Sana pagkatapos nito ay madali lamang sila makagawa ng prototype at magawa namin kung ano man ang kailangang paperwork at red tape para maging opisyal ang tulong na ibibigay nila sa akin.
Isa pa ring inaantay ko ay ang pagformulate na namin ng Smile. Hindi ko inaasahan na medyo matagal din pala ang magiging pagkalap ng mga chemicals na gagamitin dito. Na delay na kami ng husto sa ginawa naming work plan. Pero kanina ay dinala ko na ang huling chemical na kailangan namin at sana ay may magawa na si Dean SBP at Kevin.
Sa ngayon, pinag iisipan ko na kung ano ang pinakamagaling na gawin sakaling maging maganda nga ang resulta nito. Isa sa mga naiisip ko ay ilapit ito sa ibang mga negosyante at papondohan ang commercialization nito. Pero siguro, saka ko na pag iisipan ng husto ito kapag may nagawa ng produkto. Pansamantala, lagi lang mag SMILE.
Friday, September 26, 2008
Progress on Project Smile
Matapos kong magpunta ng Chemline, nagtuloy na ako sa UP College of Pharmacy para ihatid ang mga chemicals. Doon ay nasalubong ko si Dr. M at ibinigay ko sa kanya yong pambayad sa RA at faculty consultant na nakasaad sa moa namin. Dapat ay P12K ito pero may naipa-unang bigay na akong P3K sa RA kaya P9K na lang ang iniwan ko.
Dahil kulang pa ang mga chemicals, hindi ko na muna kinausap ng matagal si K. Sa isang linggo ay darating pa ang Tanglad oil na inorder nya mula sa Manila Herbal at sana ay makumpleto na ang mga kailangan nyang chemicals para makapag simula na syang magformulate nito.
Tungkol naman sa pakatas, nag-aantay pa ako ng communication mula sa UP College of Fine Arts.
Friday, September 12, 2008
Pakatas meeting
Kasama sa meeting namin bukod kay Prof MR ay dalawa pang teacher sa Industrial Design. Mukhang kumbinsido nga sila sa ideya ko at pinayuhan pa nila ako na ipa patent ko na ito. Nabanggit pa nila na kapag nagkataon, hindi pa rin nga ligtas sa nakaw ito kahit na mismo mula sa mga taga IPO. Pinayuhan din ako ni Prof Mel na yong iba, ang ginagawa ay nag se self mail sila ng kanilang idea para may petsa kung kailan ito nagawa. Mas matipid siguro ito sa pagpapatent.
Gusto ko sana, kung magiging maganda ang prototype ng pakatas, mapakinabangan din ito ng UP na kung saan din ako nagtapos. Ngayon lang ako nakabalik dito pagkatapos ng matagal na panahon at natutuwa ako na maayos at maganda pa rin ito.
Ang medyo bitin lang ako sa meeting namin kanina ay yong mga target date na kung kailan kami pwedeng mag usap ulit. Pero napagkasunduan namin na gagawa muna sila ng design studies at ipa aalam nila sa akin kapag meron na nito para masang ayunan ko. Kaya lang gusto sana nila na tapusin muna ang semester at paggawa ng grades ng mga estudyante. kung sakali, baka october na daw nila maasikaso ang napag usapan namin. Ang tagal pa noon para sa akin. Isang buwan lang ako halos naka tunganga at mag aantay sa kanila. Pero syempre kinikilala ko yong priority nila bilang guro.
Mag follow up na lang siguro ako muna sa e mail. Saka na mga litrato pag may nagawa na.
Sa ibang bagay naman, si Matt may ipinadala sa akin na link tungkol sa all purpose access card visa para sa France. Na excite ako dito pero kailangan maka isip ng magandang dahilan at gagawin kung bakit ko kailangan pumunta at magtrabaho sa France.
Pauwi na ako sana matapos ang meeting namin sa UP pero naiwan ng driver yong susi sa van na sinasakyan ko. Nag antay pa tuloy kami na madala sa amin ang duplicate na susi. Pero ok lang, nagkaroon ako ng pagkakataon na maka usap ulit si Philip na old friend na nagtuturo din sa college.
Wednesday, September 10, 2008
sept 10 entry
walang nagawang prototype yong kausap ko na metal fabricator kaya sabi cancel na lang ang ginagawa namin. tutal may kamahalan nga ang presyo niya. pero nagpasalamat pa rin naman ako sa kanya.
paalis dapat ako ngayon para bilhin yong mga kailangan ni KL sa proyekto namin. kaya lang ang lakas ng ulan. Baka sa byernes na ako matuloy.
Thursday, September 4, 2008
Smile atbp
Ngayon pa lang, nag-iisip na ako ng mga posibleng angel investor ng proyektong ito. Malaki ang tiwala ko na magtatagumpay ang proyektong ito at makakapaghatid sa amin ito ng sobra sobrang financial security.
Sa ibang bagay: Pangalawang araw ko lang ito ng pagtigil sa pag inom ng gamot na Nexium pero hindi ko na yata na bumitaw dito. Nagbalik ulit ang dating sakit ng tiyan ko kahit na uminom ako ng isa namang gamot na pangiwas sa Nexium.
Nagka usap kami ni Bro T nang dumaan siya dito para ipa ayos ang litrato na ilalagay niya sa key chain at bracelet na gawa niya. Nabanggit ko sa kanya ang pag aalangan ko sa naka usap kong pinagagawa ko ng prototype ng pakatas kaya lang ang sabi lang niya sa akin, talagang hindi maiiwasang nakawin ang isang magandang idea lalu na kung ito ay pagkakakitaan. Ang hirap talaga mag alaga ng IP pero sa isang banda, handa na rin ako dito. Isa pa, hindi rin naman ako sigurado kung kakagatin talaga ito ng mga tao. Siguro dapat ko na lang paghandaan na makuntento na sabihing ako ang nagpa uso ng “pakatas”.
Wednesday, September 3, 2008
Pakatas
Nagpunta ako kaninang hapon sa JGG Metal Works sa may Bambang Pasig para magpa prototype ng isang klase ng salaan na walang pansala. Sa lugar kasi ng pansala, ang gagamitin ay coffee filter paper para makagawa ng dripped coffee mula sa mga giniling na kape. Ang tawag ko dito sa kasangkapan na ito ay pakatas.
Simple lang ang disenyo nito pero nagulat ako ng sabihin sa akin ng may ari ng metal fabrication shop na aabutin daw halos P300 ang pag prototype nito. Ok lang sana sa akin kung ganito ang singilin nya sa prototyping, pero nang sinabi nya na kapag ginawa na ito ng maramihan ay hindi rin malalayo rito ang presyo nito, hindi na ok sa akin ito. Sino ang bibili ng simpleng kagamitan na halagang P300 o higit pa dahil syempre, papatungan ko pa ito. Kalokohan na siguro ito at nawalan na ako ng gana sa kausap ko. Pero pumayag pa rin ako na ipagpatuloy nya ang prototyping at iniwan sa kanya ang ilang drawing na ginawa ni Bro T. Nagsabi ang may ari na si G. JGG na bumalik daw ako sa Miyerkules para alamin kung may nagawa na syang prototype. Medyo nag aalangan akong iwan sa kanya ang mga pag aaral ng pakatas pero nanaig na lang sa akin ang palagay na sana ay maginoo syang tao at matinong kausap. Bago ako umalis ay nagkamay pa kami sa aming napag usapan. Sana maayos siyang kausap dahil maayos din naman akong kausap. At may pagpapahalaga siya sa kanyang salita at pakikipag kamay.
Saturday, August 30, 2008
Magandang Link
Pag gumawa ako ng website, ang gusto ko parang ganitong kapakipakinabang na site.
Friday, August 29, 2008
Happy Friday
Akala ko ay pwedeng maging alcohol free ang ginagawa niya pero dahil daw may tubig at ginger oil na paghahaluin, hindi raw maiiwasan ang alcohol. Sabi ko sa kanya, kung pwedeng ibang bagay bilang pinaka active ingredient niya na pwedeng maka iwas sa alcohol, baka mas maganda yon. Ipina alala ko rin sa kanya na kung maaari ay dagdagan pa nya ng functions yong ginagawa nya at subukin na dagdagan ito ng fluoride at calcium na parang ginagawa sa mga toothpaste. Posible naman daw yon, sabi nya.
Wala si Dean ngayon at si Doc naman ay may klase kaya matapos naming mag usap sandali ay naghiwalay na kami. Magkita ulit kami next week lalu na pag pwede na sya mag trial formulation. Bago kami naghiwalay, binigyan ko sya ng P3k bilang partial na kabayaran sa pagiging RA. Ipinangako ko rin sa kanya na tutulungan ko sya maghanap ng supplier ng ginger oil at ibibigay sa kanya ang isang number ng kompanyang alam ko.
Malaki ang pag asa ko na sana ay makagawa kami ng maaayos na produkto at magtagumpay kami. Habang papa uwi ako naisip ko na ang pakay ko talaga ay lumikha ng kayamanan para maraming makinabang.
Pagdating ko sa amin, nakita ko na nakabalik na rin si bayaw galing Manaoag. Maganda ang balita niya dahil nakuha nya ang ipinunta nya doon.
Ok ang takbo ng araw ko ngayon. Positibo. Ang isang iniisip ko na lang ay ang project namin ni GL na wala akong kabali balita. May inihanda na akong sulat sa kanya para sabihin na itigil na lang namin ang aming long distance collaboration para maipagpatuloy ko ito ng puspusan dito. Pero ibibigay ko sa kanya ito sa Septembre pa. Dalawang araw na lang yon.
Thursday, August 28, 2008
a confession
This is the reason why I withdraw away from people, even those who are close to me like my relatives. I don't want to disappoint them and drag them into this hell that rages in my mind.
Tuesday, August 26, 2008
Dalaw sa IPO office
Hanggang sa ngayon, nag aantay ako ng balita sa kapartner kong artist kung may nagawa na syang prototype ng idea ko na panggawa ng kape. Ang target kasi namin ilabas ito ay ngayong buwan ng Agosto. Ilang araw na lang tapos na ang buwan na ito. Kailangan magka usap kami kung ano ang magiging direksyon namin. May iba kasi akong plano na nakasalalay sa ideyang ito, hindi ko ito pwede pabayaan na lang na nakalutang.
Sunday, August 24, 2008
Searching for truth according to Epictetus
"If you seek truth, you shall not seek it by every and any possible means. And if you have found it, you need not fear being defeated."
I did not know who Epictetus was but a walking encyclopedia of a friend gave this to me knowing that I was looking for a nice quotation about truth. And I agree strongly with this statement.
Saturday, August 23, 2008
Frozen Coffee for Peace Project
Pero wala kaming napagkasunduan dahil ang hirap isipin kung ano pa ang posibleng ibigay sa isang tao na halos kumpleto naman sa pangangailangan sa buhay at ang layo layo pa sa amin.
Sayang lang ang lakad ko. Pero ang pa konswelo ko na lang ay ang huling sachet ng kape na pasulobong ng ka-opisina ko na si KBG na galing ng Malaysia at Indonisia. Three in one ang kapeng ito pero ang kape ay ground coffee, hindi instant. Ang kape ay nakalagay sa filter paper na parang sa tsaa at nakabalot isa isa sa foil. Masarap na rin sya at si KBG nga ay ipinatago pa ang huling sachet na ito dahil balak sana nya ipagaya ito sa kanyang kapatid na ang negosyo ay packaging.
Interesado kami nila KBG sa kape dahil minsan, bago pa ako umalis sa IFES, nagplano kami na gawing social responsibility project ang kape na galing ARMM. Naniniwala kasi kami na kung makakalakal namin ang kape na produkto ng mga magsasaka sa ARMM, makakatulong na rin kami sa pagsulong ng kapayapaan at kaunlaran sa lugar na iyon. Kaya nga tatawagin sana namin ang proyekto namin na Coffee for Peace.
Maganda nga sana ang pangalan na ito pero nalaman namin, may NGO na rin na nauna sa amin.Nakadalawang meeting din kami para pag-usapan ng seryosohan ang project na yon pero sa totoo lang, parang ang hirap kumilos kung tali ka sa opisina at trabaho bukod sa pagkakaroon ng ambisyon na mas malaki kesa sa kakayanan ng pondo. Kaya ang resulta, buhay pa rin ang pangarap pero hanggang pangarap na lang muna.
(Above) Souvenir picture of first meeting with GB, MA, KBG and VFG
(Above) Souvenir pic of second coffee meeting with (L-R) PB, JS,MA.GB,MM,SP,KBG and VFG
Friday, August 22, 2008
Blogging experience so far/ e mail kay h.
Pero siguro, I share ko na lang ang e-mail na pinadala ko sa kaibigan ko na nagbigay ideya sa kanya na payuhan ako mag blog. Nang mag email ako sa kanya nakasali kasi ako sa isang fellowship program sa UK tungkol sa Demokrasya at nag suggest sya na sana ay I blog ko daw ang karanasan ko dito. Gusto ko man gawin yon dati, hindi ko nagawa dahil medyo techno retard ako e. Hindi ko pa gaano alam kung paano gawin yon dati. Kaya ngayon na lang ako babawi. Eto ang sulat:
hello h.,
sa wakas nakatapak na naman ako sa ibang landas at mula dito sa bayang nagpauso ng UKay UKay, binabati kita ng Mabuhay.
nakatigil ako ngayon dito sa graduate residence hall ng birmingham university. may sarili akong kwarto na may toilet and bath kaya kahit hindi naman talaga katulad ng hotel suite, ay pwede na. ( ang kapal pa rin ano, libre na nga at lahat e, nagsusuplado pa). Dati nga akala ko wala pa kaming toilet sa kwarto kaya ang sabi ko doon sa kaopisina ko na kasabay ko rin dito, magbaon sya ng orinola at kung wala, kahit yong lata na lang ng pineapple juice. buti na lang at hindi sya nakinig sa akin.
pero ang problema ko ngayon, yong toilet ko hindi mai flush ng maayos kaya eto, jet lag na nga ako, ay nanganganib pang biglang sumabog na lang dahil punong puno na yata ng methane ang tyan ko.
teka, change topic. puro problema agad ang kwento ko sa iyo e wala ka namang magagaw tungkol dito. kaya nga pala ako narito, ay pag aaralan namin kung paano mapapaunlad ang demokrasya sa mundo (naks, akala mo kung sino ako no?) ewan ko ba, kahit anong gawin ko, parang hindi ko maseryoso yong ginagawa namin. ang pakiramdam ko, parang napasali lang ako sa big brother house- Birmingham edition. at ngayon pa lang, naglalabasan na ng mga personalities. sa tulad kong social observer a.k.a. tsismosong maninirang puri, tiyak mag eenjoy ako dito. Hwag lang sana akong ma evict agad.
sige, dito na lang muna. happy new house
f.
Wednesday, August 20, 2008
Isang hapon sa Pasig
Dahil sa wala nga yong hinahanap namin, uminom na lang kami ng kape sa isang fastfood sa tabi ng museo at doon nagpalipas oras. Naging paksa namin ay mga posibleng mapagkakitaan. Meron syang naisip na lalagyan daw ng cellphone o kaya ay mga design na idinidikit sa t shirt. Parang hindi ko masyadong gusto yon dahil meron pa nga akong t shirt project sa ibang grupo pero hindi namin malaman kung paano isusulong ito.
Maya maya ay naisip ko na umuwi at niyaya si Bro pero ang sabi nya ay may pupuntahan pa daw syang bible study na kasama ang isa nyang kaibigang inhinyero. At naalala nya na baka nga pala yong kaibigan nya ay may alam tungkol sa pag aayos ng internet connection na pinoproblema ko kaya niyaya nya ako na sumama. Hindi ako interesado sa bible study pero umaasa ako na makakatulong nga ang kaibigan nya na maayos ang internet ko kaya sumama ako.
Habang naglalakad kami papunta sa kaibigan nya, nalaman ko na silang dalawa lang pala ang magba bible study at kaya nila ginagawa yon ay para makahanap ng kasagutan sa mga atake sa kanila ng mga nakaka enkwentro nilang mga Iglesia ni Kristo. Dahil malapit sa sambahan ng Iglesia nakatira yong kaibigan nya, biniro ko si Bro na baka sya tambangan ng mga iglesia pagdaan doon sa malapit sa kanila. “Ok lang yon. E di magiging Santo ako,” ang sagot nya. Tapos nagtawanan kami. Sabi ko naman sa kanya, pag magiging santo sya, sana ang una nyang gawing milagro, panaluhin ako sa lotto.
Pagdating namin sa kaibigan nya, nakahanda na yong tatlo o apat na bersyon yata ng bibliya na pag aaralan nila. Pero nag usap muna kami tungkol sa computer at lumitaw na hindi rin sya gaano makakatulong dito kaya iba na lang ang pinag usapan namin. Sinabi ko sa kanila na hindi ako masyado mahilig makipagdebate tungkol sa relihyon dahil hindi sa salita makikita ang tunay na paniniwala ng tao kundi sa gawa. Kaya mas maigi pa, gumawa na lang sila ng mabuti sa kapwa batay sa paniniwala nila. Sang ayon naman sila dito kaya napunta na lang sa paksa ng hanap buhay ang aming usapan.
Matagal ko na nabanggit kay Bro na gumawa kami na animated display tuwing pasko at i-alok ito sa mga simbahan at mga department stores. Kaya lang wala kaming makitang tao na may alam sa mga makina at kung paano magagamit ito para pagalawin ang mga display. Si Bro J ay interesado rin pala dito at may alam sya halimbawa kung paano magpagalaw ng pakpak ng angel. Meron din daw syang malalapitan na mechanical engineer na maaring makatulong sa amin. Mula dito nag isip na kami ng isang tema na maaaring pagalawin at ang una naming naisip ay ang belen na I aalok namin sa simbahan ng Pasig.
Kung sakaling magawa namin ito, hindi nasayang ang pagpunta ko sa Pasig Museum kahit hindi ko nakita ang hinahanap kong artist.
Friday, August 15, 2008
MOA Signing -
Wednesday, August 13, 2008
Bayanismo at politikong animal
Ang Bayanismo at ang mga Politikong Animal
Ang mga Politkong Animal
Kunwari ay nais maglingkod ngunit sa katotohanan ay walang ginawa kundi mangulimbat at magpasasa sa tinamasang kapangyarihan habang inilalabas ang sarili nila sa saklaw ng batas, ang mga politiko at mga punong bayan na ganito ang gawa ay maituturing na mga politikong animal na pawang perwisyo at pahirap ang dulot sa bayan.
Simula pa noong panahon ng Kastila hanggang sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay hindi pa nakakahulagpos sa paghahari ng mga mamumunong matatawag na politikong animal. Bagay na tinugunan at maging ikinasawi ng mga ninuno natin na ngayon ay itinuturing nating mga bayani.
Sina Rizal, Bonifacio, Mabini at libu pang mga Pilipino ay nag alay ng kanilang dugo at pawis para makalikha ng isang bansa na kung saan ang mga Pilipino ay maaaring mabuhay ng maayos at matiwasay sa ilalim ng makatarungang batas na nakapataw sa lahat ng pantay pantay. Ngayong wala na sila, kailangan ipagpatuloy ang kanilang adhika. Kailangan pa rin nating ipanalo at itatag ang paghahari ng katotohanan at katarungan para na rin sa ating kapakanan.
At ang simula ng pagbabago ay ang pagkakalipol natin sa mga politikong animal at ang pagkakalagay sa kanila sa kanilang dapat paglagyan – sa kulungan.
Hanggang hindi natin natututunan kung paano magagawa ito bilang isang lipunan, ang bayan at mga kababayan natin ay maaasahan lamang na patuloy na maghihirap at magtitiis pagkat hindi matitigil ang pagsasamantala at pagnanakaw sa atin ng mga politikong animal na ito.
Kung kaya upang makalaya tayo sa kahirapan, dapat magawa nating mapaghari ang batas at maipagkukulong ang mga politikong animal.
Kaparusahan ang simula ng pagbabago. Ikulong ang mga Politikong Animal!
Ang Bayanismo
Kapag ang bayan ay nakikta nating sinisikil at ang mga tao’y pinagsasamantalahan at pinagnanakawan, dapat pa bang ang mamamayan ay maghanap at mag-antay ng taong tagapagligtas?
Tungkulin ng bawat isa sa ating mga Pilipino na kapag ang bayan natin ay nasa kapahamakan na tayo ay kumilos at magtanggol sa kapakanan nito. Pagkat walang kasing sawimpalad ang bayang nangangailangan ng bayani, inaasahan lamang na ang bawat isa sa atin ay tatayong bayani at gagawin ang buong makakaya upang iligtas sa katiwalian ang ating bayan.
Hindi nagkulang ang Pilipinas ng mga bayaning tunay na naglingkod sa Inang Bayan. Kailangan lamang ay magbalik tanaw tayo sa kanilang mga pangaral at habilin upang makita natin na magpahanggang sa ngayon ang kanilang sinabi noon ay umaalingawngaw pa rin sa katotohanan hanggang ngayon. Gaya nga ng isang kasabihan na ipinaalala sa atin na “ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan”, ang araw na matutuhan nating alalahanin at parangalan ang ating mga bayani ay siya rin ang araw na ipapasya natin na tayo ay maging malaya. Malaya sa panlilinlang, malaya sa katiwalian at malaya sa pananamantala ng mga politikong animal.
Ang mahalaga ngayon para sa ating mga Pilipino ay huwag mawalan ng tiwala sa katotohanan at kabutihan. At lalong lalo na huwag sumuko sa sinisismo ng mga masasama na naghihikayat sa atin na sumama na lang sa kanila dahil sa tayo daw ay mahina at walang magagawa. Sa panahon ngayon, ang pagiging tapat sa kung ano ang matuwid at tama ay maituturing na rin na tunay na kabayanihan.
Habang may mamamayang tunay na nagmamahal sa katotohanan at kabutihan, hindi tuluyang magwawagi ang kampon ng katiwalian at kasamaan. Ano pa kaya kung ang bilang ng mamamayan na magiging sundalo ng katotohanan at kabutihan ay aabot di lang sa daan daan, kundi libu libo, maging milyon? Walang armas, walang bangis ng kalaban na kayang sawatain ito.
Gaano man kadilim ang gabi, gaano man kabigat ang ating pagsubok, gaano man kabangis ang mga nagpapahirap sa atin, hindi tayo walang magagawa at hindi tayo dapat walang gawin.
Ang ating pagpapasya ang guguhit ng ating kapalaran. Ang ating pagkilos ang magiging kasaysayan.
Ang Bayanismo ay ang pag-unawa at paninindigan na tayo mismo ang gagawa ng kabayanihang kailangan ng ating bayan ngayon, na tayo mismo ang maging bayani ng ating panahon.
Mabuhay ang Bayanismo! Mabuhay ang Pilipinas!
(Image created by Lyte Seneres and Mike Adrao)
Tuesday, August 12, 2008
Things to be desired
Go placidly amid the noise and the haste, and remember what peace there may be in silence.
As far as possible, without surrender, be on good terms with all persons. Speak your truth quietly and clearly; and listen to others, even to the dull and the ignorant; they too have their story. Avoid loud and aggressive persons; they are vexatious to the spirit.
If you compare yourself with others, you may become vain or bitter, for always there will be greater and lesser persons than yourself. Enjoy your achievements as well as your plans. Keep interested in your own career, however humble; it is a real possession in the changing fortunes of time.
Exercise caution in your business affairs, for the world is full of trickery. But let this not blind you to what virtue there is; many persons strive for high ideals, and everywhere life is full of heroism. Be yourself. Especially do not feign affection. Neither be cynical about love, for in the face of all aridity and disenchantment, it is as perennial as the grass.
Take kindly the counsel of the years, gracefully surrendering the things of youth. Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune. But do not distress yourself with dark imaginings. Many fears are born of fatigue and loneliness.
Beyond a wholesome discipline, be gentle with yourself. You are a child of the universe no less than the trees and the stars; you have a right to be here. And whether or not it is clear to you, no doubt the universe is unfolding as it should.
Therefore be at peace with God, whatever you conceive Him to be. And whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life, keep peace in your soul.
With all its sham, drudgery, and broken dreams, it is still a beautiful world. Be cheerful. Strive to be happy.
Desiderata is latin for “Things to be desired”. It was written by Max Ehrmann in the 1920s. I am just hoping that by printing this beautiful poem here, I have not infringed on any IP rights. Peace to all.
Friday, August 8, 2008
At the UP College of Pharma
Maayos naman kausap sila Dean at si Doc Monet. Palagay ang loob ko sa kanila. Ang medyo mahirap daw sa gagawin naming proyekto ay ang paghanap ng RA na magiging interesado sa proyekto. Pero may naiisip nga silang tao na sana ay pumayag. Napagkasunduan din namin na ang ibibigay sa RA ay P12k per month sa loob ng tatlong buwan. Sana naman sa dulo ng panahong ito ay may isa ng produktong pwedeng i market.
balak ko sana makinabang dito ang UP na kung saan ako nagtapos kaya balak ko sana hatian dito ang UP College of Pharma at College of Med sa kung ano man ang mararating ng ideyang ito na sumulpot lang sa utak ko habang ako ay nasa dentista.
Wednesday, June 25, 2008
DOST stoves
Kahapon nagpunta ako sa DOST Fuels and Energy Division para tingnan ang demo ng isang stove na ginawa doon. Sumulat kasi ako sa kanila at humingi ng tulong na makahanap ng kalan na de kahoy na maaari sanang magamit na pangluto ng french fries.
Medyo nahuli ako ng dating sa takdang oras na pinagkasunduan namin ni G. Mabuti para sa demo kaya pagdating ko doon ay pauwi na siya at pinatay na raw nya ang apoy ng kalan na ipakikita nya. Pero, ganoon pa man, sinamahan nya ako sa kalan na sinasabi nya.
Sa unang tingin pa lang medyo nag alangan na ako kung ito nga ang kailangan ko. Maging si G. Mabuti ay parang nabasa ang naiisip ko at sinabi na kinakailangan pang i adjust ang stove na ito para sa partikular kong pangangailangan.
Tuesday, June 17, 2008
UP College of Pharmacy at ang product idea ko
Mula rito, naisip ko na humingi ng tulong sa UP College of Pharmacy para magawa yong bagay na naisip ko. Pero bago yon ay nagresearch muna ako sa internet at humanap ng mapagkokomparahan.
Mabait naman yong naka usap ko sa telepono na si Dr. Monette Loquia ang pangalan at nakipag set ako ng meeting sa kanya sa araw na ito para mapag usapan namin ng harapan ang aking ideya.
Kanina, medyo nagulat ako sa kabataan ng kausap ko. Akala ko kasi dahil Dr. na siya ay medyo ako ang mag pipitagan sa kanya. Pero sya pa nga ang nag po sa akin at naramdaman ko tuloy na parang ang tanda tanda ko na.
Anyway, matapos ko maipaliwanag sa kanya ang balak ko, sinabi nya sa akin ang proseso na dapat kong daanan. Una sasabihin daw nya sa kanilang dean ang balak ko at papakitaan nya ako ng MOA para malaman kung sasang ayon ako dito.
Kapag daw may nagpagawa ng produkto sa kanila, may isang grupo sa College na na aasign dito. May isang professor na parang nagiging in charge at nagsisilbing consultant, pero may assistant researcher daw na siyang tumututok dito. Karaniwan, sa kanila napupunta ang malaking parte ng budget sa pagpapdevelop ng produkto. Ang ibang gastusin ay ang materyales na gagamitin at kaunting admin cost.
Hindi rin magaan ang magpa develop ng isang produkto sa kanila pero parang malaki ang tiwala ko sa kabuluhan ng naisip ko. Handa akong gumastos para dito at humanap din ng ibang makakasosyo dito. Sana lang ay people of good faith ang makakatrabaho ko sa College.
Saka ko na lang babanggitin kung ano ang ipapagawa ko sa kanila kapag gawa na.
Thursday, June 12, 2008
Ang Paghingi ng tulong sa DOST
Naka-usap namin ang isang taga Fuels and Energy Division at handa naman daw sila tumulong, kaya lamang ay pinagawa nilang pormal ang aming kahilingan sa pamamagitan ng isang sulat. Eto ang sulat na ginawa ko.
June 4, 2008
Dr. Nuna Almanzor
Director, Industrial Technology and Development Institute (ITDI)
Department of Science and Technology
Taguig City, Philippines
Dear Dr. Almanzor,
Through this letter, I would like to request the assistance of the ITDI, DOST in finding and developing an appropriate wood and bio-mass fed stove for use in cooking food, particularly french fries in commercial volume.
I have made an initial query with the Fuels and Energy Division of the ITDI and I was able to talk with Mr. Leonardo Mabuti. Mr. Mabuti has suggested several possible models of stoves which may be suitable for my needs. I would like to have a chance to test these stoves.
Should these stoves be the ones that I need, I would like to avail of DOST assistance in being able to use these.
Thank you and hoping that this letter merits your favorable response.
fidel g.
Nitong lunes, nag follow up ako ng sulat ko sa kanila, pero noon pa lang ito natanggap ng director na sinulatan ko na sya namang pinadala agad ito sa taong may kinalaman dito. Sa dalawang tao ipinadala ito pero ang kinausap ko na lang ay si Engr. Pacatang na hepe ng Fuels and Energy Division.
Maayos naman kausap si Engr. Pacatang. Pinapunta na nya kami sa opisina nila para magdala ng panggatong na susubukan namin sa mga kalan na ginawa nila. At kanina nga ay nagbalik kami sa opisina niya dala ang coco lumber na panggatong.
Medyo malaki ang pinakita niyang kalan sa amin na mukhang matagal nang naka-imbak. Ginawa daw nila ito dati para sa isang nagluluto ng chicharon. Pero sa laki nito, kulang ang kahoy na dala namin at napagkasunduan namin na babalik na lang ulit kami. Nabasa rin nila siguro ang nasa loob ko na parang hindi ganoon ang kailangan naming kalan kaya nasabi ng assistant ni Engineer na sa pagbalik namin ay may ipapakita pa siyang isang kalan pero lalagyan niya muna ito ng chimney.
Sana yong ipapakita niya ang sasagot sa kailangan namin.
Monday, May 12, 2008
Sodium cyanide
Kanina ay nakakwentuhan ko ang isang driver habang inihahatid ako sa aking pupuntahan. Isa siya dating seaman na kusinero sa barko. Bago raw sya sumakay ng barko, nagtrabaho muna siya bilang driver sa isang mayamang intsik na may ari din ng isang sikat na restaurant sa Quezon Blvd. Kapag wala daw siyang lakad, sa kusina ng restaurant siya nagtitigil na kung saan nakaibigan nya ang mga kusinero doon. Tinanong ko sya kung natuto syang gumawa ng siopao o siomai. Ang sagot niya ay hindi dahil sa Tondo raw ginagawa ang mga dim sum na ibinebenta sa kanilang restaurant. At ang sabi niya, talaga daw may halong pusa at daga ang mga siomai at siopao na gawang Tondo. Kung kaya nga ang dami daw nag-aalaga ng pusa doon dahil nabebenta ang mga ito sa halagang P10 bawat piraso. Ewan ko kung magkano ang halaga ng dagang bahay, dahil hindi ko na tinanong.
Pinapakiramdaman ko kung sinisiraang puri lang nya ang restaurant ng amo nya. Pero hindi naman. Sa katunayan, pinuri pa niya ang kanyang amo na mabait at tumulong pa nga raw sa kanya na makasakay ng barko. Kasi, kahit driver daw ang trabaho niya, pumayag na I-certify ng amo niya na siya ay kusinero sa kanyang restaurant.
Iniisip ko paano kaya kung pinag sample siya ng nag jo-job interview sa kanya kung paano gumawa ng siopao. Saan kaya siya maghahagilap ng pusa at dagang bahay na ihahalo sa kanyang special dim sum?
Dahil napagkwentuhan na namin ang paggiging kusinero niya sa barko, natanong ko rin ang sikreto niya sa pagluluto at di naman niya ipinagdamot sa akin ito. Betsin daw.Isang damukal na betsin daw siya kung maglagay nito sa pagkain dahil para sa kanya, walang lasa ang pagkain kung wala nito. Kaya naman minsan binabantayan na daw siya ng kanyang mga kasamahan kapag siya ay nagluluto.
Kahit ako nalulula sa kwento niyang ito pero muntik pa akong mahirinan ng sinabi niya na ang inglis daw ng betsin ay sodium cyanide!
Sa isip isip ko, ano kaya at nagkaroon nga ng pagkakataon na bumili ito ng sodium cyanide at nagamit nga sa pagluluto? Pero, hindi ko na siya itinama dahil tutal, retired na siya.
Marami pa kaming ibang napag-usapan bukod sa pagluluto. Naikwento niya sa akin ang isang isla na may bundok na bumubukas at sumasara na siyang pinagtataguan ng mga pirata. Nasabi din niya sa akin na noon daw ay may mga puno na nagbubunga ng iba’t-ibang prutas.
Pambihira talaga ang taong ito. Sa kilos at gawa, matinong matino naman siya. Pero parang nabubuhay yata siya sa mundo ng cartoons o ng magic realism. Ang malungkot nito, alam ko marami pa ring mga pinoy na hindi malayo sa kanya ang pag-iisip. Minsan nga nakapakinig pa ako ng mainit na debate ng dalawang matanda kung ano ang mas mataas – buwan o ulap?
Ay, bayan ko. Sino kaya ang dapat sisihin sa malungkot na kalagayan ng ating pag-iisip? Kahit ilang taon nagdaan ang marami sa atin sa mosyon ng pag-aaral, parang wala talaga tayong maayos na natutunan.
Thursday, April 24, 2008
Day 1 - Here I am
In creating this blog, I feel like I am stepping into a big dark crowded dance floor where other people are self absorbed, busy doing their own thing, unmindful if others notice them or not. And I also start to do the same.
My goal however is to connect. To reach out to kindred spirits and to find traveling companions in this journey we call life. Not that I don't have friends. In fact it was a friend who prodded me to have a blog. But the more the merrier.
My blog will in a way be a record of things that I do and things that I believe in. If I can reach out to just one or two people in this world of more than six billion people then I will already be happy. If not, then I hope to just continue doing my thing in this cold, big, dark dancefloor of the blogosphere until I tire.
To everyone out there, I wish you the only thing that matters: a contented heart and the best of health, always.
Naks. Parang tunay ah. Pero ok lang. Ngayon, talagang may blog na ako!