Kanina nagpunta ako ng Intellectual Property Office para ipagtanong ang procedure sa pagpapa patent ng isang imbensyon at trademark. Binigyan lang ako ng isang bungkos ng papel na pupunuin ng lalakeng nagbabantay sa customer service at tiningnan sa computer kung meron ng nakarehistrong pangalan sa imbensyon ko. Buti naman at wala pa at sana, walang umangkin nito kaagad. Para daw sa pagpapa patent at pagpaparehistro ng trademark, aabutin daw ako ng halos sampung libong piso. Iniisip ko kung sulit ba ito.
Hanggang sa ngayon, nag aantay ako ng balita sa kapartner kong artist kung may nagawa na syang prototype ng idea ko na panggawa ng kape. Ang target kasi namin ilabas ito ay ngayong buwan ng Agosto. Ilang araw na lang tapos na ang buwan na ito. Kailangan magka usap kami kung ano ang magiging direksyon namin. May iba kasi akong plano na nakasalalay sa ideyang ito, hindi ko ito pwede pabayaan na lang na nakalutang.
Tuesday, August 26, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment