Kanina nakipagkita ako kay KL sa UP Manila para kamustahin ang formulation research nya. Nagsisimula na pala syang magtatawag sa mga suppliers at ang pinakahinahanap nya ngayon ay ginger oil. Karamihan daw kasi ay essential oil ang nakukha nya.
Akala ko ay pwedeng maging alcohol free ang ginagawa niya pero dahil daw may tubig at ginger oil na paghahaluin, hindi raw maiiwasan ang alcohol. Sabi ko sa kanya, kung pwedeng ibang bagay bilang pinaka active ingredient niya na pwedeng maka iwas sa alcohol, baka mas maganda yon. Ipina alala ko rin sa kanya na kung maaari ay dagdagan pa nya ng functions yong ginagawa nya at subukin na dagdagan ito ng fluoride at calcium na parang ginagawa sa mga toothpaste. Posible naman daw yon, sabi nya.
Wala si Dean ngayon at si Doc naman ay may klase kaya matapos naming mag usap sandali ay naghiwalay na kami. Magkita ulit kami next week lalu na pag pwede na sya mag trial formulation. Bago kami naghiwalay, binigyan ko sya ng P3k bilang partial na kabayaran sa pagiging RA. Ipinangako ko rin sa kanya na tutulungan ko sya maghanap ng supplier ng ginger oil at ibibigay sa kanya ang isang number ng kompanyang alam ko.
Malaki ang pag asa ko na sana ay makagawa kami ng maaayos na produkto at magtagumpay kami. Habang papa uwi ako naisip ko na ang pakay ko talaga ay lumikha ng kayamanan para maraming makinabang.
Pagdating ko sa amin, nakita ko na nakabalik na rin si bayaw galing Manaoag. Maganda ang balita niya dahil nakuha nya ang ipinunta nya doon.
Ok ang takbo ng araw ko ngayon. Positibo. Ang isang iniisip ko na lang ay ang project namin ni GL na wala akong kabali balita. May inihanda na akong sulat sa kanya para sabihin na itigil na lang namin ang aming long distance collaboration para maipagpatuloy ko ito ng puspusan dito. Pero ibibigay ko sa kanya ito sa Septembre pa. Dalawang araw na lang yon.
Friday, August 29, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment