Saturday, August 23, 2008

Frozen Coffee for Peace Project

Kanina ay napadaan ako sa opisina namin para pag-usapan kung ano ang maganang ibigay sa isang dating consultant namin na ngayon ay nagtatrabaho sa Sudan.

Pero wala kaming napagkasunduan dahil ang hirap isipin kung ano pa ang posibleng ibigay sa isang tao na halos kumpleto naman sa pangangailangan sa buhay at ang layo layo pa sa amin.

Sayang lang ang lakad ko. Pero ang pa konswelo ko na lang ay ang huling sachet ng kape na pasulobong ng ka-opisina ko na si KBG na galing ng Malaysia at Indonisia. Three in one ang kapeng ito pero ang kape ay ground coffee, hindi instant. Ang kape ay nakalagay sa filter paper na parang sa tsaa at nakabalot isa isa sa foil. Masarap na rin sya at si KBG nga ay ipinatago pa ang huling sachet na ito dahil balak sana nya ipagaya ito sa kanyang kapatid na ang negosyo ay packaging.

Interesado kami nila KBG sa kape dahil minsan, bago pa ako umalis sa IFES, nagplano kami na gawing social responsibility project ang kape na galing ARMM. Naniniwala kasi kami na kung makakalakal namin ang kape na produkto ng mga magsasaka sa ARMM, makakatulong na rin kami sa pagsulong ng kapayapaan at kaunlaran sa lugar na iyon. Kaya nga tatawagin sana namin ang proyekto namin na Coffee for Peace.

Maganda nga sana ang pangalan na ito pero nalaman namin, may NGO na rin na nauna sa amin.Nakadalawang meeting din kami para pag-usapan ng seryosohan ang project na yon pero sa totoo lang, parang ang hirap kumilos kung tali ka sa opisina at trabaho bukod sa pagkakaroon ng ambisyon na mas malaki kesa sa kakayanan ng pondo. Kaya ang resulta, buhay pa rin ang pangarap pero hanggang pangarap na lang muna.




(Above) Souvenir picture of first meeting with GB, MA, KBG and VFG

(Above) Souvenir pic of second coffee meeting with (L-R) PB, JS,MA.GB,MM,SP,KBG and VFG

No comments: