Friday, August 22, 2008

Blogging experience so far/ e mail kay h.

Ganito pala ang pagba blog. Madaling gawin pero ang hirap mag maintain. Kailangan gugulan mo talaga ng oras para magawa mong disente at maayos. Trabaho din pala ito. Para tuloy gusto ko sisihin ang nag-udyok sa akin na gawin ang blog na ito (joke lang- sa katotohanan, wala akong talent sa paninisi).

Pero siguro, I share ko na lang ang e-mail na pinadala ko sa kaibigan ko na nagbigay ideya sa kanya na payuhan ako mag blog. Nang mag email ako sa kanya nakasali kasi ako sa isang fellowship program sa UK tungkol sa Demokrasya at nag suggest sya na sana ay I blog ko daw ang karanasan ko dito. Gusto ko man gawin yon dati, hindi ko nagawa dahil medyo techno retard ako e. Hindi ko pa gaano alam kung paano gawin yon dati. Kaya ngayon na lang ako babawi. Eto ang sulat:

hello h.,

sa wakas nakatapak na naman ako sa ibang landas at mula dito sa bayang nagpauso ng UKay UKay, binabati kita ng Mabuhay.

nakatigil ako ngayon dito sa graduate residence hall ng birmingham university. may sarili akong kwarto na may toilet and bath kaya kahit hindi naman talaga katulad ng hotel suite, ay pwede na. ( ang kapal pa rin ano, libre na nga at lahat e, nagsusuplado pa). Dati nga akala ko wala pa kaming toilet sa kwarto kaya ang sabi ko doon sa kaopisina ko na kasabay ko rin dito, magbaon sya ng orinola at kung wala, kahit yong lata na lang ng pineapple juice. buti na lang at hindi sya nakinig sa akin.

pero ang problema ko ngayon, yong toilet ko hindi mai flush ng maayos kaya eto, jet lag na nga ako, ay nanganganib pang biglang sumabog na lang dahil punong puno na yata ng methane ang tyan ko.

teka, change topic. puro problema agad ang kwento ko sa iyo e wala ka namang magagaw tungkol dito. kaya nga pala ako narito, ay pag aaralan namin kung paano mapapaunlad ang demokrasya sa mundo (naks, akala mo kung sino ako no?) ewan ko ba, kahit anong gawin ko, parang hindi ko maseryoso yong ginagawa namin. ang pakiramdam ko, parang napasali lang ako sa big brother house- Birmingham edition. at ngayon pa lang, naglalabasan na ng mga personalities. sa tulad kong social observer a.k.a. tsismosong maninirang puri, tiyak mag eenjoy ako dito. Hwag lang sana akong ma evict agad.

sige, dito na lang muna. happy new house

f.

No comments: