Nagpunta ako kaninang hapon sa JGG Metal Works sa may Bambang Pasig para magpa prototype ng isang klase ng salaan na walang pansala. Sa lugar kasi ng pansala, ang gagamitin ay coffee filter paper para makagawa ng dripped coffee mula sa mga giniling na kape. Ang tawag ko dito sa kasangkapan na ito ay pakatas.
Simple lang ang disenyo nito pero nagulat ako ng sabihin sa akin ng may ari ng metal fabrication shop na aabutin daw halos P300 ang pag prototype nito. Ok lang sana sa akin kung ganito ang singilin nya sa prototyping, pero nang sinabi nya na kapag ginawa na ito ng maramihan ay hindi rin malalayo rito ang presyo nito, hindi na ok sa akin ito. Sino ang bibili ng simpleng kagamitan na halagang P300 o higit pa dahil syempre, papatungan ko pa ito. Kalokohan na siguro ito at nawalan na ako ng gana sa kausap ko. Pero pumayag pa rin ako na ipagpatuloy nya ang prototyping at iniwan sa kanya ang ilang drawing na ginawa ni Bro T. Nagsabi ang may ari na si G. JGG na bumalik daw ako sa Miyerkules para alamin kung may nagawa na syang prototype. Medyo nag aalangan akong iwan sa kanya ang mga pag aaral ng pakatas pero nanaig na lang sa akin ang palagay na sana ay maginoo syang tao at matinong kausap. Bago ako umalis ay nagkamay pa kami sa aming napag usapan. Sana maayos siyang kausap dahil maayos din naman akong kausap. At may pagpapahalaga siya sa kanyang salita at pakikipag kamay.
No comments:
Post a Comment