Ok ang araw ko ngayon, marami akong nagawa. Pero ang pinakamahalaga dito ay yong meeting ko sa head ng College of Fine Arts/industrial design department tungkol sa naiisip kong panggawa ng kape.
Kasama sa meeting namin bukod kay Prof MR ay dalawa pang teacher sa Industrial Design. Mukhang kumbinsido nga sila sa ideya ko at pinayuhan pa nila ako na ipa patent ko na ito. Nabanggit pa nila na kapag nagkataon, hindi pa rin nga ligtas sa nakaw ito kahit na mismo mula sa mga taga IPO. Pinayuhan din ako ni Prof Mel na yong iba, ang ginagawa ay nag se self mail sila ng kanilang idea para may petsa kung kailan ito nagawa. Mas matipid siguro ito sa pagpapatent.
Gusto ko sana, kung magiging maganda ang prototype ng pakatas, mapakinabangan din ito ng UP na kung saan din ako nagtapos. Ngayon lang ako nakabalik dito pagkatapos ng matagal na panahon at natutuwa ako na maayos at maganda pa rin ito.
Ang medyo bitin lang ako sa meeting namin kanina ay yong mga target date na kung kailan kami pwedeng mag usap ulit. Pero napagkasunduan namin na gagawa muna sila ng design studies at ipa aalam nila sa akin kapag meron na nito para masang ayunan ko. Kaya lang gusto sana nila na tapusin muna ang semester at paggawa ng grades ng mga estudyante. kung sakali, baka october na daw nila maasikaso ang napag usapan namin. Ang tagal pa noon para sa akin. Isang buwan lang ako halos naka tunganga at mag aantay sa kanila. Pero syempre kinikilala ko yong priority nila bilang guro.
Mag follow up na lang siguro ako muna sa e mail. Saka na mga litrato pag may nagawa na.
Sa ibang bagay naman, si Matt may ipinadala sa akin na link tungkol sa all purpose access card visa para sa France. Na excite ako dito pero kailangan maka isip ng magandang dahilan at gagawin kung bakit ko kailangan pumunta at magtrabaho sa France.
Pauwi na ako sana matapos ang meeting namin sa UP pero naiwan ng driver yong susi sa van na sinasakyan ko. Nag antay pa tuloy kami na madala sa amin ang duplicate na susi. Pero ok lang, nagkaroon ako ng pagkakataon na maka usap ulit si Philip na old friend na nagtuturo din sa college.
Friday, September 12, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment