Parang sa accounting, may dalawang klase ng tao:
May mga taong nakakadagdag sa kanyang kapaligiran - ito ang mga taong produktibo, malikhain, matulungin sa ibang tao na galing sa sarili niyang bulsa ang ipinangtutulong.
May mga tao din naman na nakakabawas sa kanilang kapaligiran. Ito ang mga taong laging nag-iisip kung ano ang makukuha nila sa kanilang paligid, kung paano makakalamang at kung tumulong man ay sa iba pa kinuha ang kanilang ipinangtulong.
Siguro kung mas maraming unang klase ng tao, mas mayaman at higit na magiging maganda ang bansa.
Saturday, October 18, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment