Habang nasa dentista ako noong nakaraang linggo, naitanong ko sa aking dentista kung may formula sya ng panglinis ng ngipin na pwedeng mai negosyo. Wala ang sagot nya sa akin pero may ideya na pumasok sa isip ko. Ano kaya kung….
Mula rito, naisip ko na humingi ng tulong sa UP College of Pharmacy para magawa yong bagay na naisip ko. Pero bago yon ay nagresearch muna ako sa internet at humanap ng mapagkokomparahan.
Mabait naman yong naka usap ko sa telepono na si Dr. Monette Loquia ang pangalan at nakipag set ako ng meeting sa kanya sa araw na ito para mapag usapan namin ng harapan ang aking ideya.
Kanina, medyo nagulat ako sa kabataan ng kausap ko. Akala ko kasi dahil Dr. na siya ay medyo ako ang mag pipitagan sa kanya. Pero sya pa nga ang nag po sa akin at naramdaman ko tuloy na parang ang tanda tanda ko na.
Anyway, matapos ko maipaliwanag sa kanya ang balak ko, sinabi nya sa akin ang proseso na dapat kong daanan. Una sasabihin daw nya sa kanilang dean ang balak ko at papakitaan nya ako ng MOA para malaman kung sasang ayon ako dito.
Kapag daw may nagpagawa ng produkto sa kanila, may isang grupo sa College na na aasign dito. May isang professor na parang nagiging in charge at nagsisilbing consultant, pero may assistant researcher daw na siyang tumututok dito. Karaniwan, sa kanila napupunta ang malaking parte ng budget sa pagpapdevelop ng produkto. Ang ibang gastusin ay ang materyales na gagamitin at kaunting admin cost.
Hindi rin magaan ang magpa develop ng isang produkto sa kanila pero parang malaki ang tiwala ko sa kabuluhan ng naisip ko. Handa akong gumastos para dito at humanap din ng ibang makakasosyo dito. Sana lang ay people of good faith ang makakatrabaho ko sa College.
Saka ko na lang babanggitin kung ano ang ipapagawa ko sa kanila kapag gawa na.
Tuesday, June 17, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment