Tuesday, July 14, 2015

Anyare na sa Mercy and Compassion?


Yumayaman daw ang Pilipinas pero parang tumitindi lalo ang kahirapan. Parang napansin ko lang mas marami yata ngayon ang mga taong kakalat kalat at ginawa na lang tirahan ang lansangan.

Sa isip ng maraming tao, tungkulin ng gobyerno na kumalinga sa mga mahihirap. Sa isang banda tama ito, pero tayong mga mamamayan rin ay may responsibilidad sa ating kapwa. Hindi tayo dapat basta na lang magbulag bulagan. Ipakita natin kung anong pagkalinga ang dapat ibigay ng pamahalaan sa mga nadedehado sa lipunan.

No comments: