Sunday, October 20, 2013

Manipesto ng Botanteng Pilipino



Ako ay botanteng Pilipino.



Batid ko na sa aking boto ay nakasalalay ang kinabukasan ng aking bayan.



Ano man ang antas ko sa buhay, ang aking boto ay kasing halaga sa boto ng iba, maging sila man ay dukha o naka-aangat.



Pagkat sa batas at halalan ng aking bayan, ang lahat ay pantay pantay.



Isang tao. Isang boto.



Bilang Pilipino, pangangalagaan ko ang dangal at linis ng aking boto.



Pag-aaralan at pag-iisipan ko ng maigi kung ang aking mga ihahalal ay may sapat na kakayanan upang mamuno sa bayan at kung sila ay matapat at mapagkakatiwalaan.



Malaya akong boboto ayon lamang sa aking konsyensya



Lalabanan ko ang sinumang susubok na dungisan ang aking boto o magtatangka na nakawin ito.



Tututulan ko ang sinumang mangangahas na bilihin ang boto ko o magdikta sa akin kung sino ang dapat kong piliin.



Sila ay mga kaaway ng bayan at kalayaan. Ipagtatanggol ko ang aking boto laban sa kanila.



Ako ay botanteng Pilipino.



Malaya. Matuwid. Marangal

No comments: