Thursday, December 31, 2015

Paalam at pagbati


Ang bilis ng panahon. Isang taon na naman ang magtatapos ilang oras na lang.

Saan kaya tayo dadalin ng bagong taon?

Sa harap ng mga hamon na kumakaharap sa atin, hindi tayo walang magagawa at di tayo dapat walang gawin.

Ang ating pagpapasya ang magtatakda ng ating kapalaran.

Ang ating pagkilos ang magiging kasaysayan.

Malaya tayo na isipin lang ang pagsulong ng ating sariling kapakanan. Natural lang iyan sa mga hayup na kabilang tayo bilang nilalang.

Ngunit ang mga nakakaunawa ng pagkakakawing natin at ng ating interes sa isa't isa at handang iwala ang sarili sa pagsulong ng kapakanan ng pangkalahatan ang siyang mag-aangat sa atin hiwalay sa hayup - mikrobyo o matsing- at ituring ang ating uri na mga matalinong nilalang.

Paalam 2015! Mabuhay 2016!

No comments: