Tuesday, September 24, 2013

Sex Scandal


Minsan habang nasa isang inuman ako, naging pulutan ang paksa ng sex video. Marami kasing lumalabas na ganito ngayon.

Meron yatang mga tao na kusang naglalabas ng kanilang sex video - may kapartner o wala. Pero karamihan ng mga sex video, lalu na ng mga sikat na personalidad, kumalat ng walang pahintulot ng mga sangkot rito.

Para sa akin, wala akong paki-alam sa kanila. Mapanood ko man o hindi ang video nila, bahala sila at walang epekto sa akin kung ano man ang magiging pagtingin ko sa kanila.

Pero sa mga taong nanonood ng mga video na ito at sinasabing malaswa o masama ito, gusto ko sana silang tanungin.

Una, pinilit ba sila na panoorin yong video?
Pangalawa, nasaktan ba sila o naging masama ba sila sa panonood nito?
Pangatlo, gusto ba nilang paki-alaman din ng ibang tao ang kung ano ang ginagawa nila sa kanilang pribadong lugar?

Siguro para sa ibang tao, naakit silang makapanood ng sex scandal ng mga sikat dahil ibinababa nito ang mga taong sikat at ginagawa silang kapantay ng mga hamak at ordinaryong tao.

Manood na lang sila kung gusto nilang manood nito, pero hwag na lang sana sila maghusga o mamintas.







No comments: