Friday, September 20, 2013

PEACE Ball


Simple lang ang bolang ito na maaaring gawin mula sa kawayan o rattan. Ito ay bola sa loob ng bola na nakapaloob pa ulit sa isang bola.

Ang gamit nito ay bilang laruan ng mga bata, pang juggling at pang exercise.

Sa unang tingin, parang walang kapansin pansin sa mga bolang ito. Pero sa tamang marketing at promosyon para tangkilikin ng pinakamaraming mamayan, maaari itong makapag bigay ng hanap buhay sa mga taong gagawa nito at makatulong sa muling pagbangon ng mga tao sa Zamboanga na sinalanta ng kalamidad na ang pangalan ay MNLF.

Proyekto ko sana ito para sa lalawigan ng Benguet pero sa Zamboanga yata mas may kabutihang maidudulot ito sa ngayon.

No comments: