Wednesday, March 28, 2012

Paskong Walang Katapusan


Ilang linggo na lang ay Mahal na Araw na pero para sa restaurant na ito ng isang hotel sa White Beach sa Puerto Galera, pasko pa rin. May balak kaya ang may ari ng restaurant na ito na alisin ang dekorasyon na ito? O permanenteng gayak na ito dito?

Noong huling punta ko sa Puerto Galera maraming taon na ang nakakalipas, hindi pa gaano karami ang mga tao na nagpupunta dito at wala pang malalaking gusali na nakatayo dito. Noon, sapat na ang payak na kapaligiran upang mapahanga ka sa ganda ng lugar. Hindi na kailangan ng palamuti. Ngayon, kahti anong dekorasyon ang ilagay mo sa kapaligiran, hindi nito maikukubli na wala na ang likas na ganda na nagpatanyag sa lugar na ito.

Para sa akin, hindi nakakasaya ang dekorasyong pamasko na nakita ko. Nakakalungkot pa nga.

No comments: