Saturday, April 2, 2011

Bad Trip, Good Trip ngayong araw

Bad Trip - Sumama ako kaninang umaga para magbike sa Timberland sa San Mateo. Pero wala ako sa kondisyon, kaya hindi ko nakaya. Kasisimula pa lang namin sa trail pero umatras na ako.

Good Trip - Maganda na rin naman ang view sa pinag antayan ko sa mga kasama ko. At masarap ang simoy ng hangin.

Bad Trip - Nagbike ako ng nakatsinelas kahit na sinabi ng kasama ko na dapat ay magsapatos ako para maprotektahan ang paa. Pero dahil pasaway, sige pa rin ako nag tsinelas at ng nagkamali nga ako sa pagliko habang nagba bike, sumabit ang hinlalaki ng aking kanang paa sa semento. Ang lalim ng naging sugat ko at hanggang ngayon ay may iniinda akong kirot.

Good Trip - Habang nagpapahinga ako, may nag text sa akin tungkol sa bagong print project. Oks.

Bad Trip - Kinailangan ko gumamit ng ATM card para kumuha ng pera sa banko pero nang hinanap ko ito ay hindi ko makita. Maloko loko ako sa kahahanap nito.

Good Trip - kung ano ang kunsumisyon ko sa paghanap nito ay ganoon din naman ang tuwa ko ng makita ko ito. Buti na lang hindi ko agad ito pinakansela.

No comments: