Thursday, July 5, 2018

May nanalo na!

Hindi man maiuuwi ng mga Hapon ang World Cup sa Football, napahanga naman nila ang maraming tao sa kanilang ipinakitang sportsmanship at dignidad sa harap ng pagkatalo.

Kahit na talunan, nakuha pa nilang linisin ang kanilang locker room matapos ang laro at mag-iwan ng mensahe ng pasasalamat na may kasama pang origami. Ganoon din ang mga taga suportang Hapon mula sa kanilang pinapanoorang lugar na nagligpit ng kanilang kalat bago umalis.

Para sa akin, ito ang marka ng tunay na kampeon.

The Japanese football team locker room all cleaned up with thank you note/photo from internet

No comments: