Monday, February 27, 2017

Ang Gutom ay Gamot

Maraming tao ay takot magutom. Para sa kanila ito ay kondisyon na dapat iwasan dahil ito ang dahilan ng pagkakasakit. Kaya naman, sa isip nila, mas mabuti ang kumain ng marami at maging laging busog.

Pero salungat ang ganitong paniniwala sa lumalabas na pag-aaral kaugnay ng tamang pagkain at nutrisyon.

Kung tutuusin mas maraming sakit ang nakukuha sa pagkain na labis labis kaysa sa pagkain ng tama lamang at sa paglilimita sa calories na kinakain natin.


No comments: