Saturday, December 31, 2016

Mabuhay 2017

Ilang oras na lang ay bagong taon na.

Ang bawat palit ng taon ay dapat lamang mabunyi nating salubungin. Pero kung tutuusin, wala naman sa atin ipinangako ang taong darating maliban na lang sa kung ano ang gagawin natin dito.

Sana ay mapanaig natin palagi ang katotohanan, katarungan at ang ating kalayaan sa mga may masasamang balak, maging sila man ay dayuhan o kababayan.

Isang magandang pagbabago na masasabi ko sa taong ito ay ang parang malaking pagkakabawas ng mga taong nagpapaputok. Ilang oras na lang ay bagong taon na ngunit ang putukang naririnig ko ay mangilan ngilan lamang at mula  pa sa malayo. Sana ay tuluyan pang matalikuran ng mga tao ang ganitong tradisyon na mas marami pa yatang pinsala ang dala kaysa kabutihan.

At sa mga taong magpupumilit na magpaputok pa rin at masusugatan, ang masasabi ko lang sa kanila ay Happy New Year! na hangad ko rin para sa lahat.

No comments: