Saturday, July 16, 2016

Paano makaka-abot ang tagumpay ng Pilipinas sa kanila?


Nanalo ang Pilipinas sa kasong isinampa nito laban sa Bansang Tsina kaugnay ng pag-angkin ng huli ang mga isla sa West Philippine Sea.

Habang nagdadaan ako sa talipapa na malapit sa amin at nakita ko ang mga isda na itinitinda ng mga manlalako, naisip ko kung ano kaya ang palagay ng mga tindero sa pagkakapanalong ito ng ating bansa.

Bilang mga Pilipino alam ko na ikinagagalak din nila ang panalo ng Pilipinas. Pero ano pa kayang biyaya ang mararamdaman nila kaugnay ng panalong ito?

No comments: