Wednesday, April 27, 2016

Ubas mula sa Sagada


Habang naglalakad ako sa palenke sa Baguio, nakita ko ang panindang ubas na ayon sa karatula at tindera ay galing daw sa Sagada.

Maganda nga sana kung totoo ito pero parang ang hirap agad maniwala. Gusto ko muna makita ang ubasan sa lugar na iyon o makakalap pa ng patotoo ng iba maliban sa nagtitinda nito.

No comments: