Saturday, August 15, 2015

Pasaway


Ano kaya ang dapat gawin sa mga taong walang pag-unawa?

May naisip lang ako. Gamitin ang street theatre para turuang sumunod sa mga panuntunan ang mga tao.

Ang street theatre ay karaniwang ginagamit ng mga aktibista sa kanilang protesta laban sa gobyerno. Ewan kung may epekto ito.

Pero siguro maari din gamitin ang street theatre para turuan ang mga tao ng tamang asal at pagkilos sa lipunan.

Isang senaryo na nakikita ko ay ang pagpapataw kunwari  ng malupit na parusa sa mga taong nahuling nagkakalat, nagtatapon ng basura sa kahit saan na lamang.

Siguro pag nakita ito ng mga tao ay didikit sa kanilang isipan ang leksyon nito.

No comments: