Saturday, January 3, 2015

Huwag kang magnakaw!


Nagkataon lang kaya ito o sadyang nagpapatama ang kung sino man ang naglagay ng karatula sa papasok ng simbahan sa Makati. Paalala ng karatula ang isa sa 10 Utos na huwag magnakaw.

Sa kalapit na kanto naman, at tanaw na rin mula sa simbahan ang Ospital ng Makati na siya ngayong pakay ng imbestigasyon sa Senado kaugnay ng malawakan at nakalululang pandarambong.

Sana lamang ay manaig ang katotohanan dahil gaya nga ng isa pang sinasabi sa 10 Utos, Huwag ka magbibintang ng kasinungalingan sa iyong kapwa.

Para sa akin, ang inaakusahan ay may buong karapatan at tungkulin na ipagtanggol ang sarili at pabulaanan ang mga paratang sa kanya. Ang hindi pagharap sa nag-aakusa ay para na ring pagpapatoo ditto.

No comments: