Saturday, May 31, 2014

Sitsirya


Napansin ko lang habang nasa isang convenience store ako maraming iba't ibang klase ng sitsirya na nakadisplay, palatandaan na mga ganitong kakanin ang pinakamabili sa ganitong tindahan.

Pero mahilig ba ang mga tao sa sitsirya o kumakain lang sila nito para pampalipas oras lamang?

Ang sitsirya ay hindi maituturing na seryosong pagkain dahil karaniwan ay panay carbohydrates lang ito na galing sa halamang ugat gaya ng patatas o cereal gaya ng mais at arina.

Pero larong isip lang, ano kaya ang susunod na magiging sikat na sitsirya?


No comments: