Monday, December 30, 2013

Ang panganib ng pagmamahal sa bayan

(photo collage - "Bayani", vfg)

Sa araw na ito, ginugunita ng bansa ang pagkitil sa buhay ni Jose Rizal sa pamamagitan ng firing squad dahil sa salang subversion.

Pero sino ngayon ang may paki-alam kung bakit nga ba pinatay ng mga Kastila  si Jose Rizal?

Para sa akin si Rizal at Bonifacio ang pinakamagandang modelo ng marangal at dakilang Pilipino.  Sa panahong hindi pa gaanong buo ang konsepto ng ating bansang Pilipinas ini-alay na nila ang buhay nila para sa bayan.

Pero si Rizal ipinabaril nga ng mga Kastila at si Bonifacio ay ipinatumba naman ng kababayan niyang si Aguinaldo.

Minsan ko na narinig ang biro na hindi raw dapat magmahal sa bayan dahil ito daw ay nakamamatay.

Totoo nga ba ito?


No comments: