Monday, October 11, 2010

Gamot o Bisikleta?


Mataas ang cholesterol ko pero hanggat maaari ayaw kong uminom ng maintenance drug sa takot na atay ko naman ang maapektuhan. Kaya naghanap ako ng exercise na susunog sa pesteng cholesterol na ito. Kaya naisip ko magbike.

Magandang exercise at libangan ang pag bike. Marami ka pang mararating at makikilala. Isang lugar na nalaman at napuntahan ko nang magsimula akong mag bike ay ang Bike Trail sa Fort Bonifacio na malapit lapit na rin sa amin. Sa litrato, nakahilera ang mga kasamahan ko habang nagpapahinga sa paanan ng trail.

Memorable ang pagpunta ko dito. Sumemplang ako at sugat sugat ang tuhod ko pero buti na lang, hindi naman ako napuruhan sa pagbagsak ko.

Meron din kaming isang kasamahan na mas malalim pa ang binagsakan. Mabuti na lang sa taniman sya ng gabi bumagsak at hindi talaga sya nasaktan.

No comments: