Friday, August 8, 2008

At the UP College of Pharma

Kahapon nakipagmeeting ako kay Dean SB-Palacpac at Dr. Monet Loquias para ma finalize yong detalye sa MOA na pinag uusapan namin tungkol sa pagtulong nila sa akin na makagawa ng isang uri ng mouthwash. (saka ko na isisiwalat yong detalye nito kapag naryan na ang produkto).

Maayos naman kausap sila Dean at si Doc Monet. Palagay ang loob ko sa kanila. Ang medyo mahirap daw sa gagawin naming proyekto ay ang paghanap ng RA na magiging interesado sa proyekto. Pero may naiisip nga silang tao na sana ay pumayag. Napagkasunduan din namin na ang ibibigay sa RA ay P12k per month sa loob ng tatlong buwan. Sana naman sa dulo ng panahong ito ay may isa ng produktong pwedeng i market.

balak ko sana makinabang dito ang UP na kung saan ako nagtapos kaya balak ko sana hatian dito ang UP College of Pharma at College of Med sa kung ano man ang mararating ng ideyang ito na sumulpot lang sa utak ko habang ako ay nasa dentista.

No comments: