
Sana magawa ko yong pangarap kong makapag-urban gardening. Masarap kainin yong sariling tanim at tiyak mo pa na wala itong mga pestisidyo at kung anu ano pang lason na ginamit dito.

Sana maibalik muli ang dating likas na ganda ng Baguio at dumami ulit ang mga pine trees dito. Gusto ko nga sana makahanap ng mai nenegosyo dito para may dahilan ako magtigil dito ng matagal tagal sa halip na panandaliang dalaw lang.

Sana makahanap ako ng bagong ipapausong pagkain na magiging super patok sa publiko gaya halimbawa ng Hongkong style noodles o Mang Inasal.

Sana mas marami ang makasubok ng mga pagkaing niluto sa drum grill oven na ginawa namin ayon sa instructions sa internet. Ang sarap ng mga pagkaing inihaw dito, lalu na ang manok. Lasang inihaw pero ang crispy ng balat.

Sana mangyari ang mga sinasana ko. Birthday ko naman e.
No comments:
Post a Comment