Larawang mula sa internet, Yahoo Philippines News. Hiram lang.
Sa pagkaka-alam ko ang mga tarsier ay panggabing nilalang at isang napakamahiyaing hayop. Kaya nga may kalakihan yata ang mata nila ay dahil kailangan nila ito gamitin upang makahanap ng pagkain sa dilim o sa gabi.
Kaya lang dahil sa turismo, may mga tarsiers na kinukuha mula sa kanilang likas na tirahan upang maipakita at maipang-aliw sa mga tao. Siguro ang pakiramdam ng mga tarsiers na ito ay wala silang ipinagkaiba sa isang anim na taong gulang na bata na pinagmacho dancing sa harap ng maraming tao para makapag-uwi ng sampung libong piso sa kanyang mga magulang.
Maituturing kaya itong tarsier abuse? Bakit walang mga celebrity o tarsier psychologist na nag tu-tweet man lang para sa karapatan ng mga inaaping tarsier?
Kung makakapagsalita lang ang mga tarsiers, ano kaya ang sasabihin nila habang sila ay pinagkakaguluhan ng madla at ng mga paparazzi? Piliin ang letra ng inyong kasagutan:
a) Wow! ganito pala ang maging sikat! Sige na, kami na ang cute.
b) Mga P--ang I-a ninyo! mga usyusero kayo! Layuan na lang ninyo kami, pwede ba?
k) Wala lang. Tanggap naman namin ang ganitong buhay eh.
d) Kung ang tao kaya ang pagkaguluhan naming mga tarsier, ano kaya ang mararamdaman nila?
e) none of the above
Tuesday, April 26, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment