Saturday, February 21, 2009

Lumang liham sa isang prinsipe ng simbahan

Minsan may napanood ako sa tv na isang proyektong pangmahirap na ginagawa sa Venezuela. Hindi ko na matandaan kung may kinalaman dito ang Katolikong simbahan sa Venezuela pero nagandahan ako sa proyekto. Ito ay isang orkestra na binubuo ng mga kabataang hinugot sa mga dukhang pamilya sa slums ng Caracas yata yon.

Naisip ko maganda rin sana magkaroon ng ganitong proyekto sa Pilipinas nang sa gayon ay magkaroon ng pagkakataon ang mga mahihirap na angkinin din ang kayamanang kultural na karapatan nila bilang miyembro ng human race. Kung magtutulong tulong ang mga parokya, madali lamang na makakagawa nito na hindi mararamdaman ang gastos.

Kaya tumawag ako sa Tanggapan ng Archdiocese of Manila at itinanong kung paano makakapagpaabot ng ideya sa Archbishop. Parang hindi na interesado ang kausap ko at sinabi na sumulat na lang daw ako at i-fax o dalhin sa kanila ang sulat.

Makatwiran naman ang ganitong proseso kaya gumawa agad ako ng sulat. At dahil may lakad ako sa malapit sa tanggapan nila, dinala ko na ng personal ang sulat. Pero hindi na ako nakapasok ng loob ng tanggapan. Hanggang sa pintuan lang ako ng Arzobispado at ang sulat ko ay tinanggap na lang ng gwardya. Nag aabang ako ng feedback o courtesy ng isang acknowledgement lamang pero wala na ako narinig sa kanila. Kasi hindi ba tama lamang na pag ikaw ay nakatanggap ng sulat, may obligasyon ka na i-acknowledge ito bilang respeto sa taong sumulat sa iyo? Pero walang ni ha ni ho na akong narinig matapos ko ibigay sa kanila ang aking sulat.



May ilang taon na nakalipas ito. Pero nahalungkat ko ulit ang sulat na ito nang may hanapin akong document sa aking mga old files. Hindi man natanggap ang ideya ko, nais kong ibahagi ang liham na ito para makapagbigay na lang ng isang halimbawa ng pagsulat sa isang prinsipe ng simbahan.


His Emminence Gaudencio Cardinal Rosales
121 Arzobispo St., Intramuros
Manila

Dear Cardinal Rosales,

Through this letter, I humbly submit a proposal for the creation of an Archdiocesan Youth Orchestra whose members shall be drawn from the ranks of the underprivileged. While this proposal may seem ambitious, I believe it is well within the capability of the Archdiocese to pursue this idea.

My idea is not about showcasing potential talents of the poor but opening up opportunities for them. If every parish comprising the Archdiocese of Manila and even the suffragan dioceses will sponsor an indigent youth to train on a specific musical instrument, it will be relatively easy for the Archdiocese to have a complete orchestra without undergoing a heavy financial sacrifice. If a parish is too poor to sponsor one musician, perhaps the parishes in a vicariate can work together to support one musician and an instrument.

Without this orchestra, there will be very little opportunity for the poor, with whose welfare the Church is especially concerned, to partake of the magnificent cultural heritage of their faith. Yet, the benefit of such an orchestra will not just be confined to a few lucky musicians. Entire communities will also benefit as they will be given an alternative to modern popular culture with its insistent messages of consumerism and self-indulgence so hostile to Christian life.

A Youth Orchestra comprised by the poor will be a proud Catholic achievement and contribution to the enrichment of our national culture. More important, it may well represent a life changing opportunity for the poor that will otherwise be not available to them.

Hoping that you find merit in this proposal.

Very sincerely,


V. Fidel G.

No comments: