Kanina nakipag meeting ako sa Department Head ng Viscom sa UP College of Fine Arts Diliman na si Prof MiR. Pinag usapan namin yong option ko sa pakatas na halos limang buwan na pero parang walang nangyayari at nag lapse na pati ang deadline namin na katapusan ng Enero ng taong ito.
Sa loob lang ng limang buwan na pag aantay ko, ang nakita ko lang ay ang prototype na gawa ni Prof MeS. Yari ito sa kawayan at napaka raw ng itsura nito. Gumagana naman siya in the sense na pwede ka nga gumawa ng drip coffee dito pero mas naging mahalaga ito sa akin sa pagpapakita na hindi yata pwede gamitin ang kawayan sa pakatas.Una may kalakihan sya at hindi madaling itago. Madali syang mamantsahan ng kape. Aesthetically challenged na nga, lalo pang papangit dahil sa mantsa. Baka tubuan din sya ng amag at yong kape ay maglasang kawayan. Ang ambisyon ko pa naman sana sa pakatas ay makilala ito sa magandang praktikal na disenyo na katanggap tanggap sa IKEA at mga tanyag na tindahan ng housewares. Kaya lang ang prototype na ito ay parang isang high school project lang ang dating.
Sa aking paniniwala, mas higit pa dito ang kakayanan at pwedeng asahan sa UP Fine Arts Industrial Design Department.
Yong isa namang inaasahan kong prototype na gawa sa metal ay hindi na lumitaw.
Pagpunta ko sa meeting, balak ko na sana magpull out. Kaya lang nag suggest si Prof MiR na ilalapit nya ito sa isang org ng Industrial Design Students. Pumayag ako dahil gusto ko talaga magawa ito na kasama ang UP. Kahit na parang iba ang assumption at expectation ko nang una.
Kaya lang pag alis ko sa meeting saka ko lang naisip na baka hindi pa rin katanggap tanggap ang kalalabasan kung mga estudyante ang gagawa nito. May komitment akong amount na ibibigay sa department kapag natapos ang pakatas. Kaya lang paano kung pangit at hindi pwedeng ma i market ang mga gagawin nila? e di para lang akong nagpagisa sa sarili kong mantika.
Wednesday, February 4, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment