Isang linggo na naman ang nakalipas ng walang nangyari tungkol sa pakatas. Sobra na talaga ang tagal ng pagkakagawa nito at nangangamba ako na matapos ang tinagal tagal na panahon na nag antay ako ay wala ding mangyayari dito. Mahigit limang buwan na rin ako nag antay para matapos man lang sana ang prototype ng pakatas kaya lang wala pa ring nangyayari. Meron ginawa si Prof MeS kaya lang, gawa sa kawayan ito at ayaw na nyang mag iba ng material bukod sa kawayan.
Kaya ko man mag antay ng mag antay, nawawalan din ako ng isang mahalagang bagay – panahon. Kaya umaasa talaga ako na sana ay matapos na nga ito.
Linshak yang pakatas project na yan, hindi ko inaasahan na ilalapit nyan ako sa Diyos. Kasi, sa tagal ng pagkakagawa nito, lahat na yata ng mga santo ay nahingan ko na ng tulong para sa kanilang divine intervention matapos matapos na lang ito.
.
Friday, February 20, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment