Friday, February 27, 2009

View of Malacanang I - Building Democracy

Many years ago, I had plenty of time on my hands and I had a stack of magazines with plenty of pictures. A light bulb blinked in my head and I decided to cut out some pictures and compose them as a new image centered on Malacanang Palace because I happen to have postcards of it too. The resulting image pleased me and so I was encouraged to make more images until I had a set of 15 images. I entitled my work as Views of Malacanang: Reflections on the relationship between people and power. Although I am not an artist and never considered myself as one, I was surprised that there were people who were actually willing to pay for my cut out artwork. The first picture:

"Building Democracy" by vfg. Decoupage

Wednesday, February 25, 2009

Pakatas development

At last I can now see the light at the end of the tunnel with regard to the Pakatas Project. Prof MiS has made a wire prototype that seems to work. We had a meeting this morning where we tested the prototype. The filter paper held well and the contraption is compact and simple enough made from a single length of wire. There is room for embellishment but the necessary critical part of the prototype has been met. We discussed a little how to possibly market it or what group to tap for its mass production. But bottomline, we are happy with what we have got so far. Hope that we can carry it through to the finish line which is now in sight.



In photo - Early pakatas prototype made from bamboo. Created by Prof MeS. While it seems bulky, I am happy to note that there are now some people actually using it. Beside the bamboo pakatas is a wire study (already abandoned) by Prof MiS.

Monday, February 23, 2009

Twenty three years after EDSA

Nakakalungkot. 23 years after EDSA, kailangan ulit mag People Power. Maitutulad ang sitwasyon natin ngayon sa isang shooting ng isang eksena na hindi makuha kuha ng bida ang tamang pag-arte.

Pero kung sa shooting, good acting lang ang kailangan gawin ng artista, sa People Power ang kailangan magawa ng mga tao ay maitatag ang Paghahari ng Batas, mabigyang hustisya ang mga naapi at maparusahan ang mga gahaman. Sa nakaraang People Power kasi ang nangyari ay magpalitan lamang ng mukha ang namumuno, pero wala talaga silang agenda na isulong ang social justice. Ang resulta, patuloy na paghahari ng mga kawatan at pagkawala ng bilib ng mga tao sa People Power.

Pero hindi isang pagkakamali ang People Power. Ang kailangan maunawaan ng mga tao, ang punto ng People Power ay hindi ang pagalis at pagluklok ng mga politiko sa poder pero ang pagkakamit ng social justice at ang pagpapangibabaw ng Rule of Law. Kung ang gloria ng demokrasya ay ang matahamik na pagsasalin ng kapangyarihan, ang glorya ng People Power ay ang pagtatatag ng Rule of Law at pagkakamit ng katarungang panglipunan. At ang taumbayan ang gagawa nyan, hindi mga politiko.

Nakakalungkot. 23 years after EDSA, nag-aantay pa tayo ng huling People Power.


English version (obvious ba?)
Twenty three years after EDSA

Sad. 23 years after EDSA I there is again a need for us to reprise People Power. We can liken this situation to a film shoot where the lead actors could not ever get the acting right and so have to reshoot over and over again.

But if in a film shoot, all that is needed is good acting, in People Power what the people, who are the main actors in this situation, need to do is to establish the Rule of Law, give justice to those who have been wronged and punish the wrong doers. In the past People Power, what people merely achieved then was to change leaders without necessarily achieving justice for the people. The result is the failure to quash kleptocracy and disillusion with People Power.

But People Power is not a mistake. What we need to understand however is that the aim of People Power is not mere regime change but the establishment of the Rule of Law and attainment of social justice.If as former President Cory Aquino said that the glory of democracy is the peaceful transfer of power, the glory of People Power is the triumph of the Rule of Law. And it is the people who have to strive for that, not politicians.

Sad. 23 years after EDSA, Filipinos are still waiting for the last People Power.

Saturday, February 21, 2009

Lumang liham sa isang prinsipe ng simbahan

Minsan may napanood ako sa tv na isang proyektong pangmahirap na ginagawa sa Venezuela. Hindi ko na matandaan kung may kinalaman dito ang Katolikong simbahan sa Venezuela pero nagandahan ako sa proyekto. Ito ay isang orkestra na binubuo ng mga kabataang hinugot sa mga dukhang pamilya sa slums ng Caracas yata yon.

Naisip ko maganda rin sana magkaroon ng ganitong proyekto sa Pilipinas nang sa gayon ay magkaroon ng pagkakataon ang mga mahihirap na angkinin din ang kayamanang kultural na karapatan nila bilang miyembro ng human race. Kung magtutulong tulong ang mga parokya, madali lamang na makakagawa nito na hindi mararamdaman ang gastos.

Kaya tumawag ako sa Tanggapan ng Archdiocese of Manila at itinanong kung paano makakapagpaabot ng ideya sa Archbishop. Parang hindi na interesado ang kausap ko at sinabi na sumulat na lang daw ako at i-fax o dalhin sa kanila ang sulat.

Makatwiran naman ang ganitong proseso kaya gumawa agad ako ng sulat. At dahil may lakad ako sa malapit sa tanggapan nila, dinala ko na ng personal ang sulat. Pero hindi na ako nakapasok ng loob ng tanggapan. Hanggang sa pintuan lang ako ng Arzobispado at ang sulat ko ay tinanggap na lang ng gwardya. Nag aabang ako ng feedback o courtesy ng isang acknowledgement lamang pero wala na ako narinig sa kanila. Kasi hindi ba tama lamang na pag ikaw ay nakatanggap ng sulat, may obligasyon ka na i-acknowledge ito bilang respeto sa taong sumulat sa iyo? Pero walang ni ha ni ho na akong narinig matapos ko ibigay sa kanila ang aking sulat.



May ilang taon na nakalipas ito. Pero nahalungkat ko ulit ang sulat na ito nang may hanapin akong document sa aking mga old files. Hindi man natanggap ang ideya ko, nais kong ibahagi ang liham na ito para makapagbigay na lang ng isang halimbawa ng pagsulat sa isang prinsipe ng simbahan.


His Emminence Gaudencio Cardinal Rosales
121 Arzobispo St., Intramuros
Manila

Dear Cardinal Rosales,

Through this letter, I humbly submit a proposal for the creation of an Archdiocesan Youth Orchestra whose members shall be drawn from the ranks of the underprivileged. While this proposal may seem ambitious, I believe it is well within the capability of the Archdiocese to pursue this idea.

My idea is not about showcasing potential talents of the poor but opening up opportunities for them. If every parish comprising the Archdiocese of Manila and even the suffragan dioceses will sponsor an indigent youth to train on a specific musical instrument, it will be relatively easy for the Archdiocese to have a complete orchestra without undergoing a heavy financial sacrifice. If a parish is too poor to sponsor one musician, perhaps the parishes in a vicariate can work together to support one musician and an instrument.

Without this orchestra, there will be very little opportunity for the poor, with whose welfare the Church is especially concerned, to partake of the magnificent cultural heritage of their faith. Yet, the benefit of such an orchestra will not just be confined to a few lucky musicians. Entire communities will also benefit as they will be given an alternative to modern popular culture with its insistent messages of consumerism and self-indulgence so hostile to Christian life.

A Youth Orchestra comprised by the poor will be a proud Catholic achievement and contribution to the enrichment of our national culture. More important, it may well represent a life changing opportunity for the poor that will otherwise be not available to them.

Hoping that you find merit in this proposal.

Very sincerely,


V. Fidel G.

Friday, February 20, 2009

Kailan kaya matatapos?

Isang linggo na naman ang nakalipas ng walang nangyari tungkol sa pakatas. Sobra na talaga ang tagal ng pagkakagawa nito at nangangamba ako na matapos ang tinagal tagal na panahon na nag antay ako ay wala ding mangyayari dito. Mahigit limang buwan na rin ako nag antay para matapos man lang sana ang prototype ng pakatas kaya lang wala pa ring nangyayari. Meron ginawa si Prof MeS kaya lang, gawa sa kawayan ito at ayaw na nyang mag iba ng material bukod sa kawayan.

Kaya ko man mag antay ng mag antay, nawawalan din ako ng isang mahalagang bagay – panahon. Kaya umaasa talaga ako na sana ay matapos na nga ito.

Linshak yang pakatas project na yan, hindi ko inaasahan na ilalapit nyan ako sa Diyos. Kasi, sa tagal ng pagkakagawa nito, lahat na yata ng mga santo ay nahingan ko na ng tulong para sa kanilang divine intervention matapos matapos na lang ito.

.

Friday, February 13, 2009

Its the Rule of Law stupid

Totoong magulo ang sitwasyon sa politika ng pilipinas ngayon. Kung anu ano ang mga haka haka ng maraming tao kung bakit nagkakaganito.

Pero kung ako ang tatanungin, simple lang naman talaga yan e. Merong mga tao na nagagawang i angat ang sarili nila sa saklaw ng batas at nagagawa ang anumang gusto nila kahit labag ito sa batas. Pwede silang pumatay kung gusto nila, nakakapagnakaw din sila ng walang preno para busugin ang walang kabusugan nilang kasakiman.

Hanggang hindi nagagawa ng taumbayan na maipailalim ang mga taong ito sa batas, wala talagang mangyayari sa atin. Ang Pilipinas ay mananatili lamang na bayan ng kahirapan dahil ito ay bayang pinagnanakawan.

Wednesday, February 4, 2009

Latest on the Pakatas

Kanina nakipag meeting ako sa Department Head ng Viscom sa UP College of Fine Arts Diliman na si Prof MiR. Pinag usapan namin yong option ko sa pakatas na halos limang buwan na pero parang walang nangyayari at nag lapse na pati ang deadline namin na katapusan ng Enero ng taong ito.

Sa loob lang ng limang buwan na pag aantay ko, ang nakita ko lang ay ang prototype na gawa ni Prof MeS. Yari ito sa kawayan at napaka raw ng itsura nito. Gumagana naman siya in the sense na pwede ka nga gumawa ng drip coffee dito pero mas naging mahalaga ito sa akin sa pagpapakita na hindi yata pwede gamitin ang kawayan sa pakatas.Una may kalakihan sya at hindi madaling itago. Madali syang mamantsahan ng kape. Aesthetically challenged na nga, lalo pang papangit dahil sa mantsa. Baka tubuan din sya ng amag at yong kape ay maglasang kawayan. Ang ambisyon ko pa naman sana sa pakatas ay makilala ito sa magandang praktikal na disenyo na katanggap tanggap sa IKEA at mga tanyag na tindahan ng housewares. Kaya lang ang prototype na ito ay parang isang high school project lang ang dating.
Sa aking paniniwala, mas higit pa dito ang kakayanan at pwedeng asahan sa UP Fine Arts Industrial Design Department.


Yong isa namang inaasahan kong prototype na gawa sa metal ay hindi na lumitaw.

Pagpunta ko sa meeting, balak ko na sana magpull out. Kaya lang nag suggest si Prof MiR na ilalapit nya ito sa isang org ng Industrial Design Students. Pumayag ako dahil gusto ko talaga magawa ito na kasama ang UP. Kahit na parang iba ang assumption at expectation ko nang una.

Kaya lang pag alis ko sa meeting saka ko lang naisip na baka hindi pa rin katanggap tanggap ang kalalabasan kung mga estudyante ang gagawa nito. May komitment akong amount na ibibigay sa department kapag natapos ang pakatas. Kaya lang paano kung pangit at hindi pwedeng ma i market ang mga gagawin nila? e di para lang akong nagpagisa sa sarili kong mantika.

Sunday, February 1, 2009

Ang depression

Hindi ako maka isip, hindi ako makakilos, masakit ang dibdib ko. Alam ko depressed ako. Ang hirap ng ganitong katayuan, pero ang hirap ipaliwanag sa ibang mga tao.

May mga bagay na dapat akong gawin tulad halimbawa ng pag-asikaso kung ano ang dapat gawin sa hindi matapos tapos na project na Pakatas pero hindi ko alam kung ano ang pinakamabuting gawin dito.

Balak ko humingi ng huling meeting department head ng UP CFA na siyang unang kinausap ko tungkol sa ideya ko. Kung hanggang ngayon ay wala pang nagagawang katanggap tanggap na modelo ang mga propesor na kasama sa project na ito, siguro ay wala akong magagawa kundi tapusin na ang usapan namin at humanap na lang ng ibang pwedeng tumapos nito ng maayos. Sayang nga lang dahil gusto ko sana matapos ko ito na kasama ko ang mga taga UP din dahil gusto ko rin sana makinabang ang alma mater ko sakali mang may pakinabang nga na dulot ito.