Hoya mindorensis. Nahuli lang ako ng isang araw sa pagkuha ng litrato ganito na agad ang nagging itsura |
Dahil sa nagandahan ako sa mga litrato ng bulaklak ng Hoya mindorensis, sinubukan kong mag alaga nito.
Pero dahil hindi naman talaga ako marunong at matiyagang mag-alaga ng halaman, medyo napabayaan ko ito.
Ganoonpaman, paminsan minsan, parang magagandang surpresa na bigla ko na lang makikita na nagbubulaklak na ang mga ito na parang ipinapaalala sa akin na huwag ko naman sila kalimutan.
Kanina lang ay ang Hoya mindorensis naman ang nagpakita ng kanyang bulaklak. Maganda nga sana ito pero sana ang ating mga siyentipiko o kahit mga plant enthusiast man lang ay magawang mapalaki ang mga bulaklak nito at mapatagal ang buhay.
Tulad halimbawa ng hoya sa larawan, ang bilis lumampas ng kaganapan ng pinakamagandang pamumulaklak niya kaya ganito na lang ang itsura niya ng maisipan kong kunan ng litrato.
No comments:
Post a Comment