Dahil matagal na rin naman natutulog ang isang blog na sinimulan ko noong nag-aaral pa ako ng wikang pranses, naisip ko na lang na permanente na itong patulugin.
May tatlong pakay sana ako para sa blog na iyon. Una ay maging daan sana ito para sa mas madaling pag-aaral ng pranses. Pangalawa ay alamin kung sa ano anong paraan makikita ang impluwensya ng kulturang pranses sa mga Pinoy at sa Pilipinas. Pangatlo, subuking makuha ang magaganda at kapaki-pakinabang ng idea mula sa France.
Nakakahinayang rin dahil pinag aksayahan ko rin naman ng panahon at
pag-iisip yon. At may mga souvenir pictures din doon kasama ng mga
kaibigan. Sana kung magkakaroon ako ng pagkakataon para buhayin ito kasama pa ng ibang interesado sa relasyong Pilipinas at Pransya, ay muli kong mabuhay ang blog na ito.
(Ang mga nakaibigan ko sa klase. Kahit tumigil na rin ako sa pag-aaral ng pranses, minsan hinahanap hanap ko rin ang naging masayang samahan namin. )
Monday, October 21, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment