Habang inaantay ko na tumigil ang ulan sa kainan sa Fort Bonifacio Mountain Trail, nabaling ang pansin ko sa Christmas decor sa isang lugar na pinagpapahingahan ng mga sundalo at bikers.
Naisip ko kung ano kaya ang ganda na nakita ng mga gumawa ng dekorasyong ito kesa sa pinanatili na lang nilang malinis ang lugar na iyon.
Ano nga ba ang maganda sa paningin ng mga Pinoy? Ganito ba?
Para sa akin sapat na sana ang mga puno at halaman para maging maayos at maganda ang isang lugar. Hirap akong unawain kung paano kaya sa tingin ng iba ay maganda ang magsabit ng mga kung anu-anong palawit, masabi lang na yon ang gayak para sa pasko. Paano kaya naging maganda ito?
Sa mga larawan at sa ilang mga pagkakataon ay nakakakita tayo ng mga lugar na sinasabi nating tunay na kay ganda. Maaaring hindi natin magagaya ito pero gaya nga ng narinig ko sa isang matalinong tao, Kalinisan ang simula ng Kagandahan.
Paano kaya maipapaunawa sa mga tao ito?
Monday, December 19, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment