(Draft text para sana sa isang political ad campaign na bida ang masa sa halip na politiko)
May mga politiko na tuwing halalan lamang naaalala kaming mahihirap na manggagawa.
Para masuyo ang aming boto, pasisiklaban kami ng kanilang karunungan o sisilawin ng salapi at pangangakuan na wawakasan nila ang aming kahirapan.
Kaming taumbayan ang lumilikha ng yaman ng bansa. Paanong may mga politikong makakapagsabi na sila ang magpapaginhawa sa amin?
E kaya lang naman kami naghihirap ay dahil patuloy kaming pinagnanakawan at pinagkakaitan ng pagkakataon. Karaniwan ng mismong mga politiko na yan na halos ipangako na ang lahat pati ang langit maiboto lamang.
Hindi matitigil ang aming kahirapan kung hindi matitigil ang pagnanakaw sa amin at mabuksan sa amin ang mga pagkakataon na karaniwan ay nakalaan sa mga may pera at kapangyarihan.
Ang kailangan namin ay matigil na ang pagnanakaw sa amin at makitang nasa bilangguan ang mga kawatan na nagpasasa sa kabang bayan na aming pinaghirapan.
Ang kailangan namin ay mabigyan ng pagkakataon na higit pang maging produktibong mamamayan at makinabang sa bunga ng aming pinapagpaguran.
Ang kailangan namin ay isang pinuno na may paggalang sa batas at kayang pairalan ang pantay pantay na pagkakapataw nito sa lahat ng mamamayan kasama na siya.
Tuesday, January 26, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment