Friday, September 26, 2008

Progress on Project Smile

Kanina nagpunta ako sa Chemline sa Tandang Sora para i-pick up ang mga chemicals na gagamitin sa aming ginagawa. Hindi ko nakuha lahat dahil sa isang linggo pa raw darating yong dalawa pang chemicals.

Matapos kong magpunta ng Chemline, nagtuloy na ako sa UP College of Pharmacy para ihatid ang mga chemicals. Doon ay nasalubong ko si Dr. M at ibinigay ko sa kanya yong pambayad sa RA at faculty consultant na nakasaad sa moa namin. Dapat ay P12K ito pero may naipa-unang bigay na akong P3K sa RA kaya P9K na lang ang iniwan ko.

Dahil kulang pa ang mga chemicals, hindi ko na muna kinausap ng matagal si K. Sa isang linggo ay darating pa ang Tanglad oil na inorder nya mula sa Manila Herbal at sana ay makumpleto na ang mga kailangan nyang chemicals para makapag simula na syang magformulate nito.

Tungkol naman sa pakatas, nag-aantay pa ako ng communication mula sa UP College of Fine Arts.

Friday, September 12, 2008

Pakatas meeting

Ok ang araw ko ngayon, marami akong nagawa. Pero ang pinakamahalaga dito ay yong meeting ko sa head ng College of Fine Arts/industrial design department tungkol sa naiisip kong panggawa ng kape.

Kasama sa meeting namin bukod kay Prof MR ay dalawa pang teacher sa Industrial Design. Mukhang kumbinsido nga sila sa ideya ko at pinayuhan pa nila ako na ipa patent ko na ito. Nabanggit pa nila na kapag nagkataon, hindi pa rin nga ligtas sa nakaw ito kahit na mismo mula sa mga taga IPO. Pinayuhan din ako ni Prof Mel na yong iba, ang ginagawa ay nag se self mail sila ng kanilang idea para may petsa kung kailan ito nagawa. Mas matipid siguro ito sa pagpapatent.

Gusto ko sana, kung magiging maganda ang prototype ng pakatas, mapakinabangan din ito ng UP na kung saan din ako nagtapos. Ngayon lang ako nakabalik dito pagkatapos ng matagal na panahon at natutuwa ako na maayos at maganda pa rin ito.

Ang medyo bitin lang ako sa meeting namin kanina ay yong mga target date na kung kailan kami pwedeng mag usap ulit. Pero napagkasunduan namin na gagawa muna sila ng design studies at ipa aalam nila sa akin kapag meron na nito para masang ayunan ko. Kaya lang gusto sana nila na tapusin muna ang semester at paggawa ng grades ng mga estudyante. kung sakali, baka october na daw nila maasikaso ang napag usapan namin. Ang tagal pa noon para sa akin. Isang buwan lang ako halos naka tunganga at mag aantay sa kanila. Pero syempre kinikilala ko yong priority nila bilang guro.

Mag follow up na lang siguro ako muna sa e mail. Saka na mga litrato pag may nagawa na.

Sa ibang bagay naman, si Matt may ipinadala sa akin na link tungkol sa all purpose access card visa para sa France. Na excite ako dito pero kailangan maka isip ng magandang dahilan at gagawin kung bakit ko kailangan pumunta at magtrabaho sa France.

Pauwi na ako sana matapos ang meeting namin sa UP pero naiwan ng driver yong susi sa van na sinasakyan ko. Nag antay pa tuloy kami na madala sa amin ang duplicate na susi. Pero ok lang, nagkaroon ako ng pagkakataon na maka usap ulit si Philip na old friend na nagtuturo din sa college.

Wednesday, September 10, 2008

sept 10 entry

may posibilidad na sa up college of fine arts na lang ako makipag collaborate sa proyekto kong pakatas. sumagot na sa e mail ko si Prof MR at interesado nga raw sya sa ideya ko.

walang nagawang prototype yong kausap ko na metal fabricator kaya sabi cancel na lang ang ginagawa namin. tutal may kamahalan nga ang presyo niya. pero nagpasalamat pa rin naman ako sa kanya.

paalis dapat ako ngayon para bilhin yong mga kailangan ni KL sa proyekto namin. kaya lang ang lakas ng ulan. Baka sa byernes na ako matuloy.

Thursday, September 4, 2008

Smile atbp

Kanina nakatanggap ako ng text kay KL na pinapa alam sa akin na may mga kemikals na syang na i source para sa ginagawa naming bagay na tatawagin kong “SMILE”. Aabutin daw halos ng P40K ang lahat lahat ng kemikals kaya medyo nagulat ako. Akala ko kasi, dahil mga common chemicals lang ang gagamitin naming main ingredients, mga kalahati lang ng na quote nya ang kailangang ilabas. Kinakabahan tuloy ako na baka lumampas ako sa budget. Sana kung umabot man kami ng ganitong gastos, makagawa agad kami ng magandang formula para hindi na lumaki pa lalo ang gastos.

Ngayon pa lang, nag-iisip na ako ng mga posibleng angel investor ng proyektong ito. Malaki ang tiwala ko na magtatagumpay ang proyektong ito at makakapaghatid sa amin ito ng sobra sobrang financial security.

Sa ibang bagay: Pangalawang araw ko lang ito ng pagtigil sa pag inom ng gamot na Nexium pero hindi ko na yata na bumitaw dito. Nagbalik ulit ang dating sakit ng tiyan ko kahit na uminom ako ng isa namang gamot na pangiwas sa Nexium.

Nagka usap kami ni Bro T nang dumaan siya dito para ipa ayos ang litrato na ilalagay niya sa key chain at bracelet na gawa niya. Nabanggit ko sa kanya ang pag aalangan ko sa naka usap kong pinagagawa ko ng prototype ng pakatas kaya lang ang sabi lang niya sa akin, talagang hindi maiiwasang nakawin ang isang magandang idea lalu na kung ito ay pagkakakitaan. Ang hirap talaga mag alaga ng IP pero sa isang banda, handa na rin ako dito. Isa pa, hindi rin naman ako sigurado kung kakagatin talaga ito ng mga tao. Siguro dapat ko na lang paghandaan na makuntento na sabihing ako ang nagpa uso ng “pakatas”.

Wednesday, September 3, 2008

Pakatas



Nagpunta ako kaninang hapon sa JGG Metal Works sa may Bambang Pasig para magpa prototype ng isang klase ng salaan na walang pansala. Sa lugar kasi ng pansala, ang gagamitin ay coffee filter paper para makagawa ng dripped coffee mula sa mga giniling na kape. Ang tawag ko dito sa kasangkapan na ito ay pakatas.

Simple lang ang disenyo nito pero nagulat ako ng sabihin sa akin ng may ari ng metal fabrication shop na aabutin daw halos P300 ang pag prototype nito. Ok lang sana sa akin kung ganito ang singilin nya sa prototyping, pero nang sinabi nya na kapag ginawa na ito ng maramihan ay hindi rin malalayo rito ang presyo nito, hindi na ok sa akin ito. Sino ang bibili ng simpleng kagamitan na halagang P300 o higit pa dahil syempre, papatungan ko pa ito. Kalokohan na siguro ito at nawalan na ako ng gana sa kausap ko. Pero pumayag pa rin ako na ipagpatuloy nya ang prototyping at iniwan sa kanya ang ilang drawing na ginawa ni Bro T. Nagsabi ang may ari na si G. JGG na bumalik daw ako sa Miyerkules para alamin kung may nagawa na syang prototype. Medyo nag aalangan akong iwan sa kanya ang mga pag aaral ng pakatas pero nanaig na lang sa akin ang palagay na sana ay maginoo syang tao at matinong kausap. Bago ako umalis ay nagkamay pa kami sa aming napag usapan. Sana maayos siyang kausap dahil maayos din naman akong kausap. At may pagpapahalaga siya sa kanyang salita at pakikipag kamay.