Wednesday, June 25, 2008

DOST stoves



Kahapon nagpunta ako sa DOST Fuels and Energy Division para tingnan ang demo ng isang stove na ginawa doon. Sumulat kasi ako sa kanila at humingi ng tulong na makahanap ng kalan na de kahoy na maaari sanang magamit na pangluto ng french fries.

Medyo nahuli ako ng dating sa takdang oras na pinagkasunduan namin ni G. Mabuti para sa demo kaya pagdating ko doon ay pauwi na siya at pinatay na raw nya ang apoy ng kalan na ipakikita nya. Pero, ganoon pa man, sinamahan nya ako sa kalan na sinasabi nya.

Sa unang tingin pa lang medyo nag alangan na ako kung ito nga ang kailangan ko. Maging si G. Mabuti ay parang nabasa ang naiisip ko at sinabi na kinakailangan pang i adjust ang stove na ito para sa partikular kong pangangailangan.

Tuesday, June 17, 2008

UP College of Pharmacy at ang product idea ko

Habang nasa dentista ako noong nakaraang linggo, naitanong ko sa aking dentista kung may formula sya ng panglinis ng ngipin na pwedeng mai negosyo. Wala ang sagot nya sa akin pero may ideya na pumasok sa isip ko. Ano kaya kung….

Mula rito, naisip ko na humingi ng tulong sa UP College of Pharmacy para magawa yong bagay na naisip ko. Pero bago yon ay nagresearch muna ako sa internet at humanap ng mapagkokomparahan.

Mabait naman yong naka usap ko sa telepono na si Dr. Monette Loquia ang pangalan at nakipag set ako ng meeting sa kanya sa araw na ito para mapag usapan namin ng harapan ang aking ideya.

Kanina, medyo nagulat ako sa kabataan ng kausap ko. Akala ko kasi dahil Dr. na siya ay medyo ako ang mag pipitagan sa kanya. Pero sya pa nga ang nag po sa akin at naramdaman ko tuloy na parang ang tanda tanda ko na.

Anyway, matapos ko maipaliwanag sa kanya ang balak ko, sinabi nya sa akin ang proseso na dapat kong daanan. Una sasabihin daw nya sa kanilang dean ang balak ko at papakitaan nya ako ng MOA para malaman kung sasang ayon ako dito.

Kapag daw may nagpagawa ng produkto sa kanila, may isang grupo sa College na na aasign dito. May isang professor na parang nagiging in charge at nagsisilbing consultant, pero may assistant researcher daw na siyang tumututok dito. Karaniwan, sa kanila napupunta ang malaking parte ng budget sa pagpapdevelop ng produkto. Ang ibang gastusin ay ang materyales na gagamitin at kaunting admin cost.

Hindi rin magaan ang magpa develop ng isang produkto sa kanila pero parang malaki ang tiwala ko sa kabuluhan ng naisip ko. Handa akong gumastos para dito at humanap din ng ibang makakasosyo dito. Sana lang ay people of good faith ang makakatrabaho ko sa College.

Saka ko na lang babanggitin kung ano ang ipapagawa ko sa kanila kapag gawa na.

Thursday, June 12, 2008

Ang Paghingi ng tulong sa DOST

May balak sana kami ng bayaw ko na pasukin ang pag gawa ng kamote fries dahil may nakuha akong magandang paraan ng paggawa nito sa isang magazine. Kaya lang dahil sa mahal ng kuryente o LPG sa panahon ngayon, naisip namin na gumamit ng kalan na de kahoy. Kaya lumapit kami sa Department of Science and Technology (POST) para makahanap ng magandang disenyo ng kalan. Sa loob ng DOST, itinuro kami sa Fuels and Energy Division ng ITDI.

Naka-usap namin ang isang taga Fuels and Energy Division at handa naman daw sila tumulong, kaya lamang ay pinagawa nilang pormal ang aming kahilingan sa pamamagitan ng isang sulat. Eto ang sulat na ginawa ko.


June 4, 2008


Dr. Nuna Almanzor
Director, Industrial Technology and Development Institute (ITDI)
Department of Science and Technology
Taguig City, Philippines


Dear Dr. Almanzor,

Through this letter, I would like to request the assistance of the ITDI, DOST in finding and developing an appropriate wood and bio-mass fed stove for use in cooking food, particularly french fries in commercial volume.

I have made an initial query with the Fuels and Energy Division of the ITDI and I was able to talk with Mr. Leonardo Mabuti. Mr. Mabuti has suggested several possible models of stoves which may be suitable for my needs. I would like to have a chance to test these stoves.

Should these stoves be the ones that I need, I would like to avail of DOST assistance in being able to use these.

Thank you and hoping that this letter merits your favorable response.


fidel g.


Nitong lunes, nag follow up ako ng sulat ko sa kanila, pero noon pa lang ito natanggap ng director na sinulatan ko na sya namang pinadala agad ito sa taong may kinalaman dito. Sa dalawang tao ipinadala ito pero ang kinausap ko na lang ay si Engr. Pacatang na hepe ng Fuels and Energy Division.

Maayos naman kausap si Engr. Pacatang. Pinapunta na nya kami sa opisina nila para magdala ng panggatong na susubukan namin sa mga kalan na ginawa nila. At kanina nga ay nagbalik kami sa opisina niya dala ang coco lumber na panggatong.

Medyo malaki ang pinakita niyang kalan sa amin na mukhang matagal nang naka-imbak. Ginawa daw nila ito dati para sa isang nagluluto ng chicharon. Pero sa laki nito, kulang ang kahoy na dala namin at napagkasunduan namin na babalik na lang ulit kami. Nabasa rin nila siguro ang nasa loob ko na parang hindi ganoon ang kailangan naming kalan kaya nasabi ng assistant ni Engineer na sa pagbalik namin ay may ipapakita pa siyang isang kalan pero lalagyan niya muna ito ng chimney.

Sana yong ipapakita niya ang sasagot sa kailangan namin.