Kuha sa kasagsagan ng piyesta ng Santa Martha, 9 Pebrero 2020 |
Kahit maraming takot sa NCoV, hindi nito napigil ang pagdiriwang ng piyesta sa aming lugar. Hindi yata nakuha ng mga taong nagdiriwang ang memo na umiwas sa mataong lugar upang hindi maabot ng sakit na ito.
Isang tao lang na may dala na ng virus na ito, kahit wala pang nakikitang sintomas ay maaaring maipasa agad ito sa daan, o libo pang nagsasaya rito.
Pero napakabago lang kasi ng sakit na dala ng NCoV na ito at kulang na kulang ang kaalaman ng mga tao dito kaya mas pinili nila ang ipagsa walang bahala ito kaysa mag-ingat.
Huwag naman sana maging mabagsik ang NCoV kung sakaling mangyari ito.
No comments:
Post a Comment