Sinisikap kong intindihin kung bakit at paano may mga taong buong buo ang pagtanggap sa kanilang partikular na relihyon at isara ang isip sa libong iba pang relihyon.
Isang palagay ko sa pagkarelihyoso ng mga tao ay dahil sa kanilang relihyon, nakakakita sila ng 'komunidad' na kung saan meron silang nakikitang lugar nila na nagbibigay kabuluhan sa kanilang buhay.
Ngunit isa pang maaaring paliwanag kung bakit kumakapit ang mga tao sa relihyon o sa idea ng isang makapangyarihan diyos na dapat sambahin as sunurin kahit ang batas nito ay gawang tao lamang ay sa dahilang karamihan sa mga tao ay may mga sitwasyon na gusto nilang mawala kaya nangangailangan sila ng taga sambot nito. Maaring ito ay isang kasalanan, pagsuway sa batas panlipunan, matinding kalungkutan o kung ano pa man.
Hindi ko hahadlangan ang mga tao na piliin ang kanilang paniniwala. Ang sa akin lang, sana ay makita ng mga tao ang pagkakaiba ng pagiging relihyoso sa pagigign ispirituwal.
Sunday, July 7, 2019
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment