Saturday, April 21, 2018
pagkuha ng bango sa halaman
Ang pagkuha ng bango ng mga bulaklak at ibang mga halaman ay matagal ng gawain ng mga tao sa iba't ibang parte ng mundo.
Naisip ko lang, kung nagagawa ito noon kahit walang mga makabagong kasangkapan, siguro naman ay hindi gaanong kumplikado ang proseso para dito.
Dahil may nakuhanan ako ng mga natuyong bulaklak na ginamit sa simbahan, sinubukan kong kunin ang nalalabing bango ng mga ito at natuwa naman ako sa naging resulta nito.
Maraming posibleng pakinabang ang maaring ibunga ng experiment na ito. Ngunit kailangan pa ng patuloy na experimento. Halimbawa ay ang paggawa ng natural na pabango na walang halong artipisyal na bango. Maaari din siguro kunin ang katas ng halaman na nakatataboy ng insekto at maaari din magbenta ng solusyon upang ang mga tao na mismo ang gumawa ng sarili nilang pabango sa mga halaman na alam nila.
Pero saka na ang pangarap. Sa ngayon ay madami pang eksperimento na dapat gawin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment