Sunday, December 10, 2017
Sa barangay nagsisimula ang pagbabangon ng bansa
Natutuwa ako na malaman na ang balanghay ay ginawang simbolo ng DTI para sa OneTown, One Product program nito.
Ang balanghay ay ang bangkang kahoy na ginamit ng ating mga ninuno upang maglayag at tumawid dagat sa paghanap ng bagong lilipatan o sa pakikipagkalakal. Ito ay kayang magdala ng ilang pamilya na pinangangasiwaan ng isang pinuno at dahil dito , ang balanghay ay maituturing na pinakamaliit na yunit panglipunan bago dumating ang mga kastila. Sa kalaunan, ito ay pormal na ring ginawang pinakamababang yunit political at nakilala sa pangalang barangay.
Para sa akin, mahalaga ang pag-unawang ito dahil sa pagbabangon ng bansa, sa barangay tayo dapat magsimula at hindi sa ating mga politico.
Kapag sinasabi ko sa aking mga kausap na sa barangay nagsisimula ang pagbabangon ng bansa, lahat sila ay sumasang-ayon. Pero kapag tinanong ko sila kung ano ang ginagawa nila kung naniniwala sila dito, wala naman silang maisagot.
Wala naman sigurong isang tamang sagot sa tanong na ito. Ngunit sa pagkilala ng DTI ng balanghay bilang simbolo ng OTOP, nagbigay na rin sila ng isang ideya - ang pagbuo ng mga tagabarangay ng isang kabuhayan na pagtutulungan nilang itaguyod at paunlarin ay isang pagtupad sa tanong na ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment