Friday, May 26, 2017

Germ theory of Paglalaba - tamad style



Gumagawa ako ng sabon panglaba na ako rin ang gumagamit.

Sa aking pag unawa sa mga ganitong sabon, pinalalambot o pinadudulas nito lalo ang tubig upang makasuot ito sa pagitan ng pagkakakapit ng mga dumi at mantsa sa damit at nang sa gayon ay matangay na ito ng tubig kapag binanlawan.

Kaya naman, sa paggamit ng mga sabon ngayon, pwede na ang babad at kaunting kuskos lang ng mga damit. Hindi na talaga kailangan ng washing machine na umuubos lang ng kuryente at madaming tubig.

Pero may gusto sana akong malaman.

Maaari kaya na higit na maging malinis ang damit kung hahayaan ang mga mikrobyo na kainin ang mga makakapit na mantsa at dumi sa mga damit?

Maraming tao ang natatakot sa mikrobyo. Pero sa totoo lang, bahagi ng ating buhay ang mga mikrobyo. Meron nga lang mabuti at masamang mikrobyo at ang dapat nating malaman ay kung papaano magagamit ang mga mikrobyong ito, para maging katulong natin.

Halimbawa, maaari kayang ipakain muna sa mikrobyo ang mga dumi at mantsa ng damit para mas maging malinis ito ng hindi na gaanong kailangan ng masugid na pagkuskos?

Magagawa ito sa pagbababad muna ng mga damit sa tubig ng mahigit kalahating araw. Sapat na oras para ang mga mikrobyo ay makapagparami at kainin ang anumang organic matter sa mga damit.

No comments: