Tuesday, December 6, 2016

Pateros - Rooftop Garden Community?

 
Pantasya pantasya lang pag may time....

Ang Pateros ang pinaka maliit na bayan sa Metro Manila. Sa dami ng naninirahan dito, ang mga bahay ay dikit dikit na at sa ayaw man at sa gusto, ang mga bahay ay sapilitan ng nagiging patong patong.

Kaya paano pa kaya makaka-asa na magkaroon ng maaliwalas na liwasan o park sa Pateros.

Sa nakikita ko, maaari pa rin ito kung magkaroon ng plano ang bayan na gawing rooftop garden ang mga bubong ng mga bahay bahay na konektado sa nga kadikit na bahay. Para ng sa ganoon, ang mga tao ay maaari sa itaas ng mga bahay maglakad at mamasyal.

Hindi talaga ganoong kasimple ang ideya na ito. Pero hindi rin naman siguro imposible basta pinagka-isahan ng taumbayan.

No comments: