Saturday, July 23, 2016
Shambon - shampoo na nasa sabon.
May kasabihan na "ang pangangailangan ang ina ng imbensyon".
Totoo nga.
Sa paggawa ng sabon, dahil nagsasawa na ako sa mga pabango na ginagamit ko, naisip ko lang kung maaaring haluan ng shampoo ang sabon. Ang inaalala ko lang ay baka hindi kasi tumigas ito.
Pero maaari naman pala.
Sa sarili ko, ayos naman gamitin ang sabon na ito. Kahit sa buhok, medyo may epekto rin na parang mas malambot ang buhok na parang na shampoo ito.
Hindi ko lang alam kung ano ang matagalang epekto nito. Baka nakakalagas ng buhok at makalbo ang gagamit nito ng pangmatagalan.
Huwag naman sana. Pero kailangan pa din ng matagal tagal na obserbasyon.
Galing sa isang kaibigan ang pangalang "shambon". Kapag ito ay tinanggap at tinangkilik ng publiko, siya ay may lifetime supply nito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment