Wednesday, May 25, 2016

Flores de Pusher

photo from PDI


Sa Batangas may isang mayor na nagpapa uso ng bagong tradisyon - Flores de Pusher.

Sa mata ng ibang tao, ayos lang ito. Salot naman talaga ang mga pusher at adik sa lipunan.

Ang problema ko lang dito, panay maliliit lamang ang mapaparusahan ng ganito pero ang mga malalaki at makakapangyarihan, ewan kung maisama dito. Lalong lalo na ang mga politikong sangkot sa narco-politics.

Isa pang isyu ko sa ganitong hakbang, sa simula ay maaaring mga pusher nga ang ipaparada. Pero sa kalaunan baka maabuso ito at kahit na sino na lang na hindi gusto ng may kapangyarihan ang padaanin sa ganitong panghihiya.

Ang unti unting paglabag sa karapatang pantao ay parang maliliit na bitak sa isang gusali na pag hindi inayos ay balang araw na mauuwi sa malaking bitak at pagkawasak mismo ng gusaali.

No comments: