Marapat lang na gunitain ng magkasabay ang araw ni Bonifacio at mga bayani. Sana lamang ang pag gunita ng araw na ito ay hindi magtapos sa pag-aalay ng bulaklak o sa isang ritwal ng paggunita kundi maunawaan natin kung bakit ang nagawa ng ating mga bayani ay mahalaga sa ating buhay ngayon.
Lagi kong sinasabi, ang araw na kung kalian natin matutunan na magparangal sa ating mga bayani ay ang siyang araw ng ating paglaya.
Para sa akin din, hindi lamang ang mga bayani noong mga nakaraang panahon ng pananakop ang dapat nating gunitain ngunit maging ng mga bayani ng ating panahon at henerasyon.
Tatlo sa mga bayaning aking ginugunita ay sina Filomena Tatlonghari, Clarissa Ocampo at si Antonio Calipe Go.
Monday, November 30, 2015
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment