Monday, October 6, 2014

Kanin-baw



Sa hirap ng buhay ngayon, lahat na lang ay ginagawa ng ating mga kababayan para lang makakain ng husto. Pero kung minsan, ang kanilang imbento ay sumisikat at kinakain na rin kahit ng mga may kaya.

Kailan lang ay may narinig akong pangalan ng pagkain na bago sa akin - "kanin-baw". Akala ko kung ano ito pero ang ibig lang palang sabihin ay "kanin na may sabaw".

Hindi ko alam kung ano ang lasa ng kanin-baw na narinig ko, pero naisip ko, hindi nga masamang ideya kung may gumawa ng sosyal na version nito na masarap ang sabaw at maraming laman.

Baka nga ito ang sunod na maging patok na usong pagkain.







No comments: