Nasa birthday blowout at reunion ako ng dati kong mga ka-opisina nang dumating ang balita na may malakas na lindol na naganap sa probinsya ng Samar.
Dahil malayo ang lindol at hindi ito namalayan sa Manila, masayang nagtapos ang aming gabi dahil parang napakabilis lumipas ng oras sa piling ng mga mabubuting kaibigan. Sa souvenir pic namin (kaliwa pakanan) kasama ko si madam Erma, Mia, Irah, Vero at ginoong El Cid.
Makalipas pa ang ilang araw nang dumating na ang mas kumpletong balita sa naganap sa Samar. Hindi tuloy mawala sa isip ko na kung sakaling dito sa Manila nangyari ang lindol na yon na kasing lakas daw ng tatlumpu na bomba atomika sa Hiroshima, ano kaya ang nangyari sa amin?
Naalala ko tuloy at higit na pinahalagahan ang kasabihan "Carpe Diem. Vivere senza rimpianti!". Sunggaban ang kasalukuyan at mabuhay ng walang pagsisi.
No comments:
Post a Comment